Bukod sa pag-aartista,soloista ng isang banda si Carlo
September 20, 2003 | 12:00am
Talagang banda ang hilig ni Carlo Aquino. Matatandaan na when he was a little younger may binuo ang ABS CBN na banda para sa kanila nina John Prats at Stefano Mori. Sumikat din naman ito at nakapag-record pa ng isang album kaya lamang ay short lived ito dahilan na rin siguro sa mga bata pa sila at hindi pa made up ang mga minds nila na ang pagba-banda ang talagang gusto nila. Matangi na lamang kay Carlo na mayroon na namang bagong banda.
Wala pang pangalan ang banda ni Carlo na kung saan siya ang tumatayong soloista, at paminsan minsan ay humahawak din siya ng gitara. Wala sa paghahanap ng pangalan ang konsentrasyon nila kundi ang pagtatapos ng isang album. Nakakalimang awitin na sila at mga apat na lamang ay pwede na itong matapos. May ginawang komposisyon si Carlo sa album, ang "Pagsapit ng Dilim". Sa paglabas nito ay baka nakapagsimula na sila ng kanilang mall tour sa Robinsons.
At 18 years old, marami pang gustong gawin si Carlo. Gusto niyang maging isang direktor sa pelikula o kaya ay isang newscaster. Kaya naman kumukuha siya ng MassCom sa Thames Business School.
Bagaman at matatag ang kanilang relasyon ni Angelica Panganiban, hindi pa sila seryoso. "We just go with the flow," aniya.
Hindi naman apektado ang kanilang trabaho ni bahagya man ng kanilang relasyon, kahit paminsan minsan ay nagkakaroon sila ng LQ (lovers quarrel).
"Kayang-kaya naming i-handle ang aming relasyon ng walang masamang epekto sa aming trabaho," pagmamalaki niya.
Sa dami ng mga nominasyon at awards na tinanggap niya para sa ilan sa mga pelikulang ginawa niya (Bata Bata, Paano Ka Ginawa, Bagong Buwan at Minsan May Isang Puso), nangangarap pa rin si Carlo na makaganap ng role ng isang psycho killer.
Sa mga mahilig manood ng mga beauty contests, mapapanood sa IBC 13 ang Miss International beauty pageant sa buwan ng Nobyembre pero ang pageant ay magaganap sa Tokyo, Japan sa Oktubre 8.
Bago ito, magkakaroon ng pre-pageant special sa Sabado, Set. 27, 9-11 n.g. Magsisilbing host nito si Anthony Pangilinan.
Magsasalita ang 1970 Miss International na si Aurora Pijuan tungkol sa paghahanda na ginagawa ng mga kalahok sa naturang beauty pageant. Ibabahagi rin niya sa manonood ang kanyang naging karanasan bilang isang contestant.
Tatalakayin naman ni Miss International 1979 na si Melanie Marquez ang kahalagahan ng fashion para manalo ang isang kalahok. Magbibigay siya ng tips kung ano ang tamang kasuotan sa bawat okasyon.
Sa pagitan ng mga interviews, magpapakita ng film clips ng 2002 Miss International Beauty Pageant, mula sa Parade of Nations hanggang sa swimsuits at gown competitions at question and answer portion.
Nasa show din si Kristine Alzar, 2002 Bb. Pilipinas Intl at Jhezarie Javier, ang Bb. Pilipinas na makikipaglaban sa Tokyo.
Tinututulan ng Philippine Alliance Against Pornography Inc. (PAAP) sa pamamagitan ng spokesperson nito na si Boy Blue P. Filomeno ang pagpayag ng MTRCB na maipalabas ang mga pelikulang First Time, www.XXX.com, Kalabit at ang mga artistang lumalabas dito sa pangunguna ng Viva Hot Babes, Juliana Palermo at Ara Mina at maging ng mga co-stars nila, director at producer ng pelikula.
Sinabi ni Filomeno na ang mga artista ng nabanggit na pelikula ay masahol pa sa mga prostitutes na nagpakita ng mga eksenang nudity, breast exposure, breast mashing, different sex positions, simulated oral sex, masturbation at iba pang wild sex acts.
"Mabuti pa ang mga prostitutes dahil ginagawa nila ang kanilang mga sex acts in private. Ang mga bomba stars have no shame in front of the cameras and show their actions in public," ani Filomeno.
Kinastigo niya si Vic del Rosario, Jr., producer ng Viva Films at ang direktor na si Lyle Sacris na aniya ay motivated lamang ng greed at self-interest.
"Hindi ba alam ng MTRCB ang PD 1986 na lumikha sa MTRCB at ang Article 201 ng Revised Penal Code on Obscenity?" tanong ni Filomeno.
Nag-sumite na ang PAAP sa Office of the President para i-ban sa mga sinehan ang mga nasabing pelikula na inendorso ni Sec. Angelito M. Sarmiento.
Sinabi rin niya na dapat habulin ng DOJ ang mga may kinalaman sa mga pelikula dahilan sa ginawa nilang paglabag sa batas.
Salamat sa aking regular reader na si Alex Francisco na tumawag para lamang i-correct yung isang word na ginamit ko sa article ko on Pia Romero. Inilagay ko kasi schoolmate niya pero hindi kaiskwela na magkapareho ang ibig sabihin. I should have written "classmate".
Gusto ko ring ituwid yung lumabas na item sa column na Suntok tungkol sa ginawang interview ni Paolo Bediones sa dalawang members ng F4 na sina Ken Zhu at Vic Zhou. Sinabi ni Paolo na parehong di marunong mag-Ingles ang dalawang ito na totoo naman pero napalitan ang pangalan ni Vic ng Vaness Wu na in fairness ay magaling sa Ingles dahil lumaki sa Tate. Mea culpa sa nag-interview at kay Vaness.
Wala pang pangalan ang banda ni Carlo na kung saan siya ang tumatayong soloista, at paminsan minsan ay humahawak din siya ng gitara. Wala sa paghahanap ng pangalan ang konsentrasyon nila kundi ang pagtatapos ng isang album. Nakakalimang awitin na sila at mga apat na lamang ay pwede na itong matapos. May ginawang komposisyon si Carlo sa album, ang "Pagsapit ng Dilim". Sa paglabas nito ay baka nakapagsimula na sila ng kanilang mall tour sa Robinsons.
At 18 years old, marami pang gustong gawin si Carlo. Gusto niyang maging isang direktor sa pelikula o kaya ay isang newscaster. Kaya naman kumukuha siya ng MassCom sa Thames Business School.
Bagaman at matatag ang kanilang relasyon ni Angelica Panganiban, hindi pa sila seryoso. "We just go with the flow," aniya.
Hindi naman apektado ang kanilang trabaho ni bahagya man ng kanilang relasyon, kahit paminsan minsan ay nagkakaroon sila ng LQ (lovers quarrel).
"Kayang-kaya naming i-handle ang aming relasyon ng walang masamang epekto sa aming trabaho," pagmamalaki niya.
Sa dami ng mga nominasyon at awards na tinanggap niya para sa ilan sa mga pelikulang ginawa niya (Bata Bata, Paano Ka Ginawa, Bagong Buwan at Minsan May Isang Puso), nangangarap pa rin si Carlo na makaganap ng role ng isang psycho killer.
Bago ito, magkakaroon ng pre-pageant special sa Sabado, Set. 27, 9-11 n.g. Magsisilbing host nito si Anthony Pangilinan.
Magsasalita ang 1970 Miss International na si Aurora Pijuan tungkol sa paghahanda na ginagawa ng mga kalahok sa naturang beauty pageant. Ibabahagi rin niya sa manonood ang kanyang naging karanasan bilang isang contestant.
Tatalakayin naman ni Miss International 1979 na si Melanie Marquez ang kahalagahan ng fashion para manalo ang isang kalahok. Magbibigay siya ng tips kung ano ang tamang kasuotan sa bawat okasyon.
Sa pagitan ng mga interviews, magpapakita ng film clips ng 2002 Miss International Beauty Pageant, mula sa Parade of Nations hanggang sa swimsuits at gown competitions at question and answer portion.
Nasa show din si Kristine Alzar, 2002 Bb. Pilipinas Intl at Jhezarie Javier, ang Bb. Pilipinas na makikipaglaban sa Tokyo.
Sinabi ni Filomeno na ang mga artista ng nabanggit na pelikula ay masahol pa sa mga prostitutes na nagpakita ng mga eksenang nudity, breast exposure, breast mashing, different sex positions, simulated oral sex, masturbation at iba pang wild sex acts.
"Mabuti pa ang mga prostitutes dahil ginagawa nila ang kanilang mga sex acts in private. Ang mga bomba stars have no shame in front of the cameras and show their actions in public," ani Filomeno.
Kinastigo niya si Vic del Rosario, Jr., producer ng Viva Films at ang direktor na si Lyle Sacris na aniya ay motivated lamang ng greed at self-interest.
"Hindi ba alam ng MTRCB ang PD 1986 na lumikha sa MTRCB at ang Article 201 ng Revised Penal Code on Obscenity?" tanong ni Filomeno.
Nag-sumite na ang PAAP sa Office of the President para i-ban sa mga sinehan ang mga nasabing pelikula na inendorso ni Sec. Angelito M. Sarmiento.
Sinabi rin niya na dapat habulin ng DOJ ang mga may kinalaman sa mga pelikula dahilan sa ginawa nilang paglabag sa batas.
Gusto ko ring ituwid yung lumabas na item sa column na Suntok tungkol sa ginawang interview ni Paolo Bediones sa dalawang members ng F4 na sina Ken Zhu at Vic Zhou. Sinabi ni Paolo na parehong di marunong mag-Ingles ang dalawang ito na totoo naman pero napalitan ang pangalan ni Vic ng Vaness Wu na in fairness ay magaling sa Ingles dahil lumaki sa Tate. Mea culpa sa nag-interview at kay Vaness.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended