Napunta kay Lorna ang papel ng ikalawang asawa kaya out of delicadeza ika nga sa parte ni Dina ay mas minabuti nitong iwan ang pelikulang ilalaban ng Regal sa MMFFP 2003 ngayong Kapaskuhan. Sa bandang huli, isa rin si Zsazsa sa nanalo dahil sa kanya na talaga napunta ang minimithi nitong role sa pelikula.
Kagagaling lang ng aktres sa China kasama ang buong tropa ng Regal dahil doon ginanap ang piktoryal ng pelikula. May ilang eksenang kinunan doon kay Zsazsa dahil siya iyong asawang naninirahan doon. Kailangan nitong pag-aralan ng wasto ang pananalita ng mga tagaroon at dahil isa siyang manganganta, kailangan din nitong mag-aral ng mga awiting Intsik. Ang naging pakonswelo ng aktres ay may nakaintindi sa kanya roon. AD