^

PSN Showbiz

Zsazsa ang original choice para sa second wife ng 'Mano Po 2'

-
Nananahimik lang si Zsazsa Padilla nang kasalukuyang may "war" sina Lorna Tolentino at Dina Bonnevie dahil sa pelikulang Mano Po 2. Alam ng aktres na siya ang orihinal na pinili ni Direk Erik Matti para sa nasabing papel kaya mas pinili nitong manahimik sa isang tabi at hintayin kung kanino kina Lorna at Dina mapupunta ang pinag-aagawang role.

Napunta kay Lorna ang papel ng ikalawang asawa kaya out of delicadeza ‘ika nga sa parte ni Dina ay mas minabuti nitong iwan ang pelikulang ilalaban ng Regal sa MMFFP 2003 ngayong Kapaskuhan. Sa bandang huli, isa rin si Zsazsa sa nanalo dahil sa kanya na talaga napunta ang minimithi nitong role sa pelikula.

Kagagaling lang ng aktres sa China kasama ang buong tropa ng Regal dahil doon ginanap ang piktoryal ng pelikula. May ilang eksenang kinunan doon kay Zsazsa dahil siya iyong asawang naninirahan doon. Kailangan nitong pag-aralan ng wasto ang pananalita ng mga tagaroon at dahil isa siyang manganganta, kailangan din nitong mag-aral ng mga awiting Intsik. Ang naging pakonswelo ng aktres ay may nakaintindi sa kanya roon. AD

vuukle comment

ALAM

DINA

DINA BONNEVIE

DIREK ERIK MATTI

INTSIK

LORNA

LORNA TOLENTINO

MANO PO

ZSAZSA

ZSAZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with