^

PSN Showbiz

Jennifer Mendoza, nanganak at nagtatago?

RATED A - Aster Amoyo -
Isa kami sa mga piping saksi kung paano pinagkaguluhan ng mga bata at tinedyer noong kalagitnaan ng dekada otsenta ang Menudo.

Ang Viva ang unang nagdala rito sa Pilipinas sa Menudo nung 1985 at muli silang ibinalik dito ng OctoArts ng makailang beses nung 1986 at 1987 hanggang sa magpalit-palit na ang myembro at tuluyang ma-disband.

At that time, connected pa ang inyong lingkod sa OctoArts at kami parati ang naaatasan mula sa pag-asikaso ng kanilang mga travel documents, pagsalubong sa airport, pamamahala ng press conference at pagi-execute ng kanilang daily itinerary.

Ang nakakatuwa sa mga Menudo members noon, very warm sila sa lahat lalo na sa kanilang mga fans at never na pumasok sa kanilang ulo ang kanilang kasikatan. At ang maganda pa, lahat sila ay fluent sa pagsasalita ng wikang Ingles kaya hindi naging problema ang pakikipag-communicate sa kanila.

Ang phenomenal success noong dekada 80 ng Menudo ay nauulit sa kasalukuyan sa pamamagitan ng F4 na nagsimula nang ipalabas ng ABS-CBN ang kanilang sariling drama serial na Meteor Garden.

Ang kaibahan lang siguro ng Menudo sa F4, pawang teenager ang members ng Menudo habang nasa 20s naman ang apat na miyembro ng F4. Hindi rin kumpleto ang apat na miyembro ng F4 na dumating sa bansa dahil sina Vanness Wu at Ken Zhu lamang kasama ang kanilang leading-lady sa Meteor Garden na si Barbie Xu. Sa buwan ng November, nakatakdang dumating sa bansa ang isa sa mga myembro na si Jerry Yan dahil kinuha siyang image model ng Bench.

Samantalang ang Menudo noon, kumpleto kung dumating na mukhang hindi magagawa ng F4.
* * *
Nung nakaraang linggo unang ipinalabas sa telebisyon ang kauna-unahang TV commercial ng award-winning actor na si Johnny Delgado, ang Vanilla Coke na produkto rin ng Coca-Cola. Proud siyempre ang mister ni Direk Laurice Guillen dahil siya talaga ang only choice ng Coca-Cola para maging endorser.

Nang huli naming makahuntahan si Johnny, inamin nito sa amin na nag-resign umano siya sa ABS-CBN bago siya tuluyang lumipat ng GMA-7 kung saan siya nakatakdang magkaroon ng dalawang magkahiwalay na programa, isang sitcom at isang teleserye. Muli silang magsasama-sama ng mga kaibigan niyang sina Edgar Mortiz at Christopher de Leon sa All Together Now na inspired ng dati nilang programa, ang Bad Bananas at Goin’ Bananas. Makakasama rin sa nasabing programa si Pops Fernandez na ididirek ni Al Quinn.

Sa mga dating myembro ng Arriba! Arriba!, apat dito ay pawang lumipat na ng GMA na sinimulan ni Jolina Magdangal at sinundan nga nina Johnny Delgado, Edgar Mortiz at Sandy Andolong.

Samantala, hindi nito ikinakaila na bukod sa dalawang anak nila ni Laurice na sina Ana at Ina, ay nagkaroon siyang isa pang anak na babae sa una niyang karelasyon pero wala na umano siyang komunikasyon dahil sumanib umano ito sa underground world. Matalino umano ang kanyang panganay na anak pero sadya lamang na kakaiba ang paniniwala at idolohiya nito na kanya namang nirerespeto.

Si Ana (21) ay isa nang opera singer habang si Ina (going 17) ay nasa second year college sa Ateneo. Isa itong ice skating champion at ngayon ay myembro ng Bayanihan Dance Group kaya may kinalaman pa rin sa sining ang kinahihiligan ng dalawa nilang anak ni Laurice.
* * *
Napag-alaman namin na dalawang magkahiwalay na weekly sitcom ang nakatakdang mawala sa ere ng GMA at ang isa rito ay ang Kool Ka Lang na papalitan umano ng Eh, Kasi Lalake na pagsasamahan ng dating Palibhasa stars na sina Richard Gomez, Joey Marquez, Anjo Yllana at Jomari Yllana. Ang hindi lamang namin alam ay kung makakasama sa bagong sitcom ang iba pang Kool Ka Lang residents na sina Raymart Santiago, Benjie Paras, LJ Moreno, Gloria Diaz at iba pa.
* * *
Marami ang nagtatanong sa amin kung totoo bang nanganak na ang dati kong alagang si Jennifer Mendoza. May mga nagsasabi kasi na nagsilang umano ito ng isang baby girl sa Amerika at ngayon ay narito sa bansa ang mag-ina. Wala kaming kongkretong maisagot sa mga ibinabato sa aming katanungan dahil matagal-tagal na kaming walang contact ni Jennifer. Ang huli kong alam, sa Calamba, Laguna na siya nakatira at nagnenegosyo siya roon.

Nang tawagan namin ang cellphone ng girl Friday ni Jennifer na si Marie, hindi si Marie ang aming nakausap kundi ang nakababata nitong kapatid na si Jovy. Hinihingi namin sina Jennifer at Marie pero wala umano roon. Nasa Baguio raw si Jennifer at si Marie naman ay umalis. Nang sabihin namin kay Jovy ang mga naglalabasang balita tungkol kay Jennifer, dinenay niya ito sa amin. Hindi raw totoong nanganak si Jennifer although sa Amerika na raw ito naka-base ngayon dahil naroon sa Amerika (San Francisco, California) ang ina ni Jennifer na nakapag-asawa ng iba. Ang hindi ko malaman ay kung bakit ayaw ibigay sa akin ang cellphone number ni Jennifer. O kung naroon man siya sa bahay, bakit ayaw niya kaming kausapin. To think na dalawang beses na kaming tumawag. Wala rin kaming return call na natanggap. Ang sa amin lang naman ay malaman ang katotohanan para alam ko ang isasagot sa mga nagtatanong sa akin tungkol kay Jennifer.

Actually, bago pa man pumutok ang balita na nagsilang umano sa Amerika si Jennifer, may mga nagsasabi na sa amin na kesyo buntis umano si Jennifer at girlfriend umano ito ng isang mayamang businessman na hiwalay na sa kanyang misis na may initial na DG. Ang guy ang nali-link din noon sa ibang showbiz personalties tulad nina Beth Tamayo, Ara Mina, Lovely Rivero at iba pa. May nagparating din sa amin ng balita na kinumpirma umano ng ilang kapitbahay ni Jennifer sa Laguna na may anak na nga ito pero hindi umano naglalabas ng bahay ang singer-aktres magmula nang dumating ito galing Amerika.

May dapat bang itago si Jennifer? Sana lang, maging totoo si Jennifer sa kanyang sarili. Kung hindi totoo ang mga lumulutang na balita, dapat na ito’y kanyang pabulaanan. Kung patuloy kasi siyang magiging elusive sa mga taong nagnanais na siya’y makausap o makapanayam, lalong mabubuo sa isipan ng mga ito na totoo nga marahil ang balita. Hindi kaya?

Ganunpaman, maghihintay pa rin kami ng tawag at paglilinaw sa mga balita ni Jennifer After all, matagal din naman ang aming pinagsamahan bilang ‘mag-nanay’.
* * *
Habang sinusulat namin ang aming kolum ay nakatanggap kami ng e-mail mula kay Gerry Batac ([email protected]) at ibinalita niya sa kanyang mensahe na nakita niya at ng kanyang misis sa Boracay ang napapabalitang magkasintahang Jericho Rosales at Cindy Kurleto.

"Good afternoon! Nasa Pilipinas ako ngayon para sa isang function sa Borocay Island. Nakita po namin ng asawa ko si Cindy Kurleto at Jericho Rosales sa Boracay nung Martes, September 16. Super sweet sila! Nakakakilig! Kinakarga pa ni Jericho si Cindy at grabe silang maghalikan! Wala na ba talagang pag-asa na magkabalikan sila ni Kristine (Hermosa)?"

AMERIKA

CENTER

JENNIFER

KUNG

MENUDO

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with