Proud na proud siya sa mga ipinakitang pagtrato sa kanila ng mga nasa Japan at Germany. Dinala ni Kuya Germs si Gil, yung German teenage idol na singer din.
Sabihin pang nag-enjoy doon si Kuya Germs at John Nite, of course iba pa rin ang feelings nila kapag narito sila sa bansa. Na-missed kasi ni Kuya Germs ang mga programa niya sa GMA-7, ang Idol Ko Si Kap at ang Master Showman Presents.
Although may jet-lag pa ito, kaagad siyang nag-teyping para sa Idol Ko Si Kap at kaagad namang nag-live program sa Mastershowman Presents. Dahil kasabay nga ng shows nito ang The Event ng F4 at ang concert ni Lea Salonga sa PICC, parehong di sinipot ito ni Kuya Germs.
Good mood si Kuya Germs nung gabing iyon. Trabaho lang talaga ang priority nito. "Next month, balik-Broadway Centrum tayo dahil gusto kong mag-celebrate ng birthday ko sa buong month of October. Gusto ko, mas malaking venue para mas maraming ma-accommodate para makapanood ng live!" pagbabalita pa nito.
Ibinalita pa ni Kuya Germs na puro bigating celebrity ang magiging bisita niya para sa kanyang nalalapit na kaarawan.
Wala pang balak si Kuya Germs na gumawa ng iba pang programa sa ABC-5 kahit napapabalita pang nagbabalak itong buhaying muli ang Thats Entertainment. Ayaw nitong sumama ang loob ng mga taga-GMA 7 management sa kanya. "Pinagkakautangan ko sila ng napakalaking utang na loob kaya hindi ko sila maaaring layasan." BONI A. CASIANO.