^

PSN Showbiz

Masuwerte si Angelica kay Carlo!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Sa nakaraang birthday presscon ng ABS-CBN Talent Center para sa kanilang mga artist (whose birthdays fall on September), marami ang nakapansin na talagang binata na nga si Carlo Aquino. Habang nagbibinata ito’y nagiging magandang lalaki. Kumbaga, lumalakas na ang appeal nito. Biro nga ng mga press people who saw Carlo grow, pang-leading man na raw ang appeal nito. Sabi naman ng iba, mukhang in love na in love raw ito sa kanyang ka-loveteam na si Angelica Panganiban.

"Okey po kami ni Angel, ganun pa rin. Lagi pa rin kaming magkasama," sabi ni Carlo.

Bukod sa pisikal, kapansin-pansin din ang lalo pang paghusay ni Carlo bilang aktor. Kunsabagay, hindi na ito dapat pang pagdudahan dahil bata pa man ay umaani na ng papuri si Carlo bilang aktor. Isa nga siya sa maituturing na pinakabatang aktor na nakakuha ng maraming karangalan.

Ang latest na balita namin, strong contender si Carlo sa nalalapit na Star Awards for Television para sa best single performance by an actor para sa episode ng Maalaala Mo Kaya. Napansin ang husay ni Carlo sa episode na ’yun bilang isa sa dalawang anak ni Jacklyn Jose.

Sa consistent na pagpapakita ni Carlo ng kanyang husay, ’di malayong he will emerge as the next Jericho Rosales or John Lloyd Cruz ng ABS-CBN Talent Center.
* * *
Umpisa pa lang ay alam na namin na wala talagang involvement ang ABS-CBN sa The Event, ang concert nina Ken Zhu, Vaness Wu, Barbie Xu at Dee Xu na ginanap sa Ultra noong nakaraang Sabado. Marami kaming kaibigan sa ABS-CBN na nagpauna na wala silang involvement sa production o ticket sales ng nasabing concert.

"Strict ang producer at no ABS-CBN cameras are allowed during the show. The managers are stricter. Sila ’yung halos talagang galit kapag may kumukuha ng video," sabi ng kausap namin.

Dahil sailing untoward incidents during the show proper, nagpalabas ang ABS-CBN ng statement tungkol sa The Event.

Tama lang na maglabas ang ABS-CBN ng statement para hindi sila masisi sa ilang ’di magandang kaganapan sa show.
* * *
Good news naman para sa fans ni Jerry Yan o mas kilala bilang Dao Ming Si sa Meteor Garden. Nakatakda siyang interbyuhin ni Korina Sanchez anytime this week. Yes, palipad si Korina papuntang Hongkong para makipagtsikahan sa Taiwanese superstar.

Ito ay bunsod ng request ng fans ni Jerry na mapanood siyang minterbyu at maipalabas sa Philippine television.

Abangan ang update sa interbyung ito na gagawin ni Korina kay Jerry Yan!
* * *
October 29 na ang showing ng twinbill movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo at John Prats at Heart Evangelista, ang My First Romance under Star Cinema. Last Tuesday ay nagkaroon ng pictorial ang cast ng movie. Halos patapos na ang John-Heart movie at tinatapos na rin ang John Lloyd-Bea.

Dalawang magkaibang kwento ng twinbill. Kilig story ang kina John at Heart samantalang drama naman ang kina John Lloyd-Bea. It’s like watching two movies in one.

Sa nasabing pictorial, wala akong itulak-kabigin sa ka-sweet-an ng apat. Si John Lloyd, halos laging nakasunod kay Bea, making sure that his leading lady is well taken care of. Halos wala namang ginawa sina John at Heart kundi ang magtawanan at magbiruan.

Sina Don Cuaresma at John-D Lazatin ang nagdirek ng movie. Si Direk Don ang director nina John Lloyd at Bea sa Kay Tagal Kang Hinintay while si John-D naman ang director nina John at Heart sa Berks.
* * *
For your comments and reactions, you can e-mail me at ericjohnsalut@yahoo. com

ABS

CARLO

CENTER

JERRY YAN

JOHN

JOHN LLOYD CRUZ

JOHN LLOYD-BEA

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with