Sa kanyang gulang, marami na rin ang mga lalaki na nagpapakita sa kanya ng interes pero, ayaw muna niya ng ligawan at this point in her life. Gusto niya friendship muna, kapag nagsimula nang magkainteres sa kanya ang lalaki ay umiiwas na siya.
Minsan ay may isang babae na nagpakita ng interes na maging kaibigan siya. Okay naman sa kanya kahit di niya ito kaiskwela pero schoolmates naman sila. Nung una, okay lang sa kanya kung mag-hug sila ng madalas pero, nang malaman niya na t-bird ito ay agad siyang umiwas. Hindi naman nito ipinagpilitan ang sarili sa kanya. Nag-switched ito ng attention sa iba. "Huli kong balita sa kanya ay nabuntis daw," ani Pia.
Napanood na si Pia sa mga palabas na Wansapanataym, Klasmeyts, Home Along Da Riles at Ok Fine Whatever.
Isa siyang fanatic ng F4. Ipinati-tape niya ang Meteor Garden at pinanonood ito pagdating niya ng bahay.
Galing din si Michelle sa programang Ang TV katulad ni Sarah. Hindi sila nagkasabay dahil sabi ni Michelle ay nauna siya rito ng bahagya kay Sarah. Pareho nilang iniidolo si Regine Velasquez pero, ang inspirasyon nila para magpunyagi ay nagmumula sa kanilang mga magulang, sa kanilang pamilya.
Ang boses ni Michelle ang kumanta ng theme songs ng Marinella at Wansapanataym. Bahagi rin siya ng ASAP Road Tour na kumakanta sa mga bars at nite spots sa Malate kasama ang mas nakakatanda sa kanyang mga ABS CBN artists din.
Wala pang sapat na tiwala sa kanyang sarili si Michelle para tumapat kay Sarah kung saka-sakali mang maisip itong gawin ng Dos. "Hindi po, sikat na po si Sarah at mas magaling kumanta sa akin," ang iwas na sagot ng 17 taong gulang na talent na nagsisimula nang mapansin simula nang mabigyan siya ng solo number sa ASAP bukod pa sa mga group number nila ng grupo niyang Full Circle.
A Diamond Record awardee na ang katumbas ay 10 Platinum Awards na bumenta ng 400,000 kopya, awardee rin si Joe Mari ng Awit, Katha, TOYM, Metropop Foundation, Philippine Association of the Recording Industry, Famas, Katha, Ciriaco Santiago Memorial Award, NPC, Tinig at napakarami pang awards na kung iisa-isahin ay pupuno ng maraming pahina sa aming babasahin.
Hindi lamang siya ang nakinabang sa kanyang mga sariling komposisyon (Cuneta, Salonga, The CompanY, Pilita, Regine, APO, Gary V., atbp) kundi ang maraming malalaking pangalan sa larangan ng musika, TV pelikula at tanghalan hindi lamang dito sa atin kundi maging sa labas ng bansa (Kamahal, Australia; Kwok, Taiwan; Lam, HK; Yasuo T, Japan at marami pa).
Pinaka-huling album na ginawa niya ay ang "A Hearts Journey" sa Universal Records.