Rhey Salac, movie producer na

May bagong balita tungkol sa singer-recording artist at tinataguriang King of Mall Entertainment na si Rhey Salac. Siya ay isang movie producer na!

Inaamin ni Rhey na humihina ang negosyo niya sa talent deployment dahil sa maraming club sa Japan ang nagsara kaya’t nag-divert muna siya sa film production. Nasa pre-production stage na ang initial project ng Mar-Win Films, ang Kulang Ang Magdamag na ididirek ng Mowelfund scholar na si Edd Palmos. Ito’y base sa script na pinagtulungang buuin nina Rhey at Edd. Wala pang final casting bagama’t kinu-consider sina Joyce Jimenez at Albert Martinez na headliner sa Edd Palmos box-office blockbuster na Ang Galing-Galing Mo, Babes. Dennis Adobas

Show comments