^

PSN Showbiz

Rossana, ayaw payagang mag-artista ang anak

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dalagita na ang anak ni Rosanna Roces na si Grace sa gulang na 14 years old. Palibhasa’y maganda, malaki ang bulas at flawless din ang kutis nito kung kaya marami ang producer na interesado nang kunin ito para maging artista. Pero ayaw ni Osang, mas gugustuhin pa niyang maging commercial model ang anak. Nagbibiro pa ito na kapag artista na ang anak ay tiyak na magiging stage mother na siya. Sinabi nito na sa edad niya ay hindi na bagay sa kanya ang mag-bold. Kaya tama na muna sa kanya ang pagiging mainstay ng dalawang TV shows.
Kris, Malulusog Na Ang Dibdib!
Napaka-sexy ni Kris Aquino sa kanyang outfit na backless at kita ang cleavage habang iniinterbyu si Barbie Xu gayundin sina Vaness Wu at Ken Zhu sa The Buzz noong Linggo.

Napuna ng aming mga kasamahang nanood ng programa na malulusog na ang kanyang dibdib at may porma na ang katawan. Malaki ang nagawa ng liposuction sa bust enhancement sa TV host dahil talagang blooming na blooming ito these days, kahit sa kabila ng balitang hindi sang-ayon ang bf niya sa ginawa niyang pagpaparetoke.
Bernadette, Pang-Tv Na Lang
Nakausap namin si Bernadette Allyson na napakaganda pa rin at mapagkakamalang isang dalaga dahil na-maintain nito ang seksing katawan sa kabila ng pagkakaroon nito ng anak.

Umaga pa lang ay nasa PTV 4 studio na ito kung saan isa ito sa host ng Tele-Aga sa Channel 4 at bukod sa pagiging newscaster ay may segment ito na nauukol sa showbiz.

Happy at stable ang relasyon nila ni Gary Estrada at kapag walang commitment ay nasa bahay lang ito at personal na nag-aasikaso ng kanilang anak. Madalas din sila sa kanilang malaking farm sa Tiaong, Quezon. Kung ratsada ang magandang newscaster sa telebisyon ay balik-sigla naman ang movie career ng asawa niya.
Ariel, Enjoy Sa Pagiging Kontrabida
Hindi namin pinalalampas ang soap operang Narito Ang Puso Ko ng GMA 7. Bukod sa maganda at mabilis ang pacing ng istorya ay magagaling lahat ang artista sa pangunguna nina Eddie Garcia, Jolina Magdangal, Dina Bonnevie, Raymart Santiago at marami pang iba. Pumasok na rin ang karakter ni Ariel Rivera bilang kontrabidang anak ni Donya Dolores Sanvictores at tunay na ama ni Jolens. Magaling umarte si Ariel at bagay sa kanya ang role.

Enjoy ang actor-singer sa kanyang role dahil matagal na nitong pangarap na maging bida-kontrabida kung saan kakampi siya ng mga masasamang tauhan doon gaya ni Eddie.

Umaasa si Ariel na sana’y masundan pa ang soap opera ng matitinding off-beat role gayundin sa pelikula.
Janna V., Di Nakikipag-Live-In Kay Dominic!
May karapatang mag-endorso ng kanyang negosyong papaya soap si Janna Victoria dahil malasutla ang kutis nito. Matagal niyang pinag-isipan ang negosyong ito kung saan alam niyang magtatagumpay siya dahil marami na rin siyang tauhan at mga mangangasiwa para sa promosyon at marketing ng produkto.

Isa rin sa mag-eendorso ng kanyang papaya soap ay ang nobyong si Dominic Ochoa. Pinabulaanan ni Janna ang balitang nagli-live in na sila dahil umuuwi pa rin sa kanilang tahanan ang nobyo. Nag-iipon pa ang dalawa bago lumagay sa tahimik. Kahit walang pelikulang ginagawa si Janna ay super-abala naman siya sa bagong negosyo. "Gusto ko pa ring lumabas sa pelikula basta’t maganda ang proyekto-yon nga lang hindi na ako pwede sa mga sexy movies," aniya.
Sexy Star, Namamangka Sa Dalawang Ilog
Kayang pagsabayin ng sikat na sexy star na ito ang kanyang dalawang sikat na nobyo na taga-showbiz din. Kapag may taping, tatawagan niya sa cellphone ang unang boyfriend na isang TV host at papupuntahin ito sa taping. Kapag dumating na ito ay super sweet na sila. Habang nakakandong ang aktres ay manaka-naka namang pahalik-halik sa kanya ang bf.

Kapag nakaalis na ang unang boyfriend ay tinatawagan naman nito si 2nd boyfriend na isa ring aktor at ramp model.

Ang aktres ay in-demand ngayon sa pelikula at TV, mainstay ito ng isang noontime show.

vuukle comment

ARIEL RIVERA

BARBIE XU

BERNADETTE ALLYSON

CENTER

DI NAKIKIPAG-LIVE-IN KAY DOMINIC

DINA BONNEVIE

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with