Tuloy na ang pagiging Kapuso ni Nora ?

Pagkatapos ng Gold Concert ng Superstar na si Nora Aunor, maging ng matagumpay na teleserye nitong Bituin sa Dos, magiging Kapuso naman siya ngayon. Iniwan na nito ang pagiging Kapamilya ng Dos.

Talaga yatang hinding-hindi na nga mapipigilan pa ang pagiging Kapuso ni Ate Guy. Hindi ba’t kailan lang ay napanood siya sa SOP kasama sina Eva Eugenio, Victor Wood, Claire dela Fuente at atbp. Ito na ang hudyat ng kanyang paglipat at pagiging Kapuso.

Good news ito para sa lahat ng mga Noranians na palaging nakikipagpuyatan sa Master Showman Presents kahit wala doon ang kanilang idolo. Kahit sinasabi pa ng marami na "wala na ngang career" ang kanilang iniidolo ay matiyaga pa rin silang nagsusubaybay sa kanilang idolo. Hindi nababayaran ang mga Noranians sa kanilang pagtangkilik sa kanilang iniidolo. Gumagastos sila mula sa kanilang sariling bulsa at marami sa mga ito ay nagmumula sa masa. Meaning mga walang trabaho, walang pera kaya iilan lang ang nakakapasok para manood ng sine. Dahilan upang hindi na maging box-office ang mga pelikula niya kahit gaano man ito kaganda. Hindi kaparis ng iba diyan, binabayaran ang kanilang mga fans masabi lang na box-office hit ang mga pelikula nila! Boni A. Casiano

Show comments