Sabi ni Vina, isang showcase of singing talents ang naturang pestibal na sinalihan ng mahigit sa dalawang daang mang-aawit sa buong mundo. "There were groups of record producer to search for talents. Maraming mga ahente na tutulong para sa bookings kaya naman, namigay kami ng kanya-kanyang portfolio sa kanila."
Natuwa naman ang aktres dahil may nakipag-usap sa kanya na interesado siyang tulungan para mapasok nito ang Hollywood. Ang naging problema sa aktres ay kinakailangan nitong manirahan sa Amerika na nangangahulugang maiiwan nito ang kanyang showbiz commitments at mga negosyong naipundar. "It was a tough time to decide kasi kaya naman ako nagpunta ay para mabigyan ng break sa international scene pero heto, nagdadalawang isip ako."
Masaya na rin ang aktres kahit nangahulugang pinakawalan nito ang pagkakataong maging international singer dahil para sa kanya, isang malaking oportunidad sa kanya na mapasama sa naturang event. AD