"Hindi ganoon ka-gwapo si Victor, pero meron siyang animalistic appeal sa babae," ani Andrea na hiwalay na ngayon sa kanyang French boyfriend.
Tulad ng maraming celebrities, si Andrea ay produkto ng broken family. Siyam na taong gulang lamang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Nang magsimula siyang kumita sa pagiging artista, tumulong siya sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Nakabukod na ngayon si Andrea sa kanyang ina at mga kapatid. Isang semester na lamang ang kanyang bubunuin ay tapos na sana niya ang kanyang advertising course sa St. Scholastica sa Manila pero inagaw na siya ng showbiz.
Matapos siyang i-launch sa Lupe, ngayon lang muling mapapanood sa pelikula si Andrea Bugbog Sarado na tinatampukan din nina Maui Taylor, Jordan Herrera, Victor Neri, Marky Lopez at Carlos Maceda mula sa direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan.
Malakas ang paniniwala ng aming source na sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy nito. Malaki rin umano ang magagawa ng halos mahigit isang buwang pagsasama ng dalawa sa Amerika sa kanilang concert tour na magsisimula sa unang linggo ng Oktubre.
Ang Daboy en Da Girl ay tinatampukan din nina Jeffrey Quizon, Sunshine Cruz, Kaye Brosas, Dencio Padilla, Jr., Robert Ortega at iba pa.
May nagbalita sa amin na kamakailan lamang bumalik ang nasabing singer-actress sa bansa na may dala-dalang bagong silang na baby. Sa Amerika umano isinilang ang kanyang unang baby. Magmula umanong bumalik sa bansa ang mag-ina, hindi na naglalabas ng bahay ang nasabing singer-actress na nagbubuhay-reyna na sana ngayon kung tinanggap ang alok na kasal ng isang mayamang foreigner businessman na matindi ang tama sa kanya.
Ang masakit nito, hindi lamang umano si singer-actress ang karelasyon ng businessman na nakabuntis sa kanya dahil marami umano itong kinalolokohang ibang babae.