Di living in style ka?
"Di nga Tita dahil hindi naman ako bilmoko girl at nahihiya ako sa kanya. Noon ngang nakaraang birthday ko ay ipinasyal lang niya ako sa isang nearby town. Yon lang ang regalo niya at kuntento na ako run," sey pa nito.
Dahil sa kanyang kinikita sa pelikula ay naibili na niya ng kumpletong appliances ang pamilya sa Cebu. Kaya lang wala pa siyang kotse at nag-iipon pa.
Muling ipakikita ni Maye ang kaseksihan sa Katas na prodyus ng kanyang manager na si Bing Tongco.
"Ayoko na ngang pag-usapan yan but if ever totoo nga, okey lang sa akin. Wala na ako sa buhay nila kung anuman ang gustuhin nila. Hindi ako mahilig sa tsismis at ayaw kong makialam kung totoo nga ang balita na buntis siya," sey ng host ng Sis.
Umaasa naman ito na matatapos ngayong taon ang pagdinig sa annulment case nila. Tanggap na rin ng kanyang mga anak na sina Moira, Inah, Kyla at Yuan na hindi na sila magkakabalikan pa ng kanilang ama. Napatawad na ni Janice si John pero hindi pa handang makipagkaibigan sa dating asawa although may communication naman silang dalawa.
"Nag-uusap kami sandali at pumupunta siya sa bahay kapag wala ako roon," aniya.
"May isang eksena na nakabitin siya sa lubid habang patawid sa isang tulay sa Rizal Province. Inatake ito ng asthma at nagkataon na ang kanyang nebulizer ay nasa bag. Akala ni Paolo Bediones ay umaarte lang ito pero nang nahihirapan nang huminga, namumutla na at nanlalamig na ang katawan ay itinakbo nila ito sa karatig na ospital," anang produ.
Nasa ikalimang taon na ang Extra Challenge na ngayon ay kinikilalang unang daily Pinoy Reality-TV. Sa Extra Challenge nina Miriam Quiambao at Paolo Bediones walang hamon na di nila kakayanin.
Ayon kay Jenny ay incompatible silang dalawa pero nanatili namang mabuting kaibigan. "Katunayan kliyente ko siya at laging umo-order ng uniforms sa akin."
Manaka-naka na lang kung gumawa ng pelikula ang aktres dahil sa kanyang negosyo. Ang nangyari tuloy ay sideline na lang nito ang pag-aartista.