Janna Victoria, manufacturer at endorser ng sarili niyang sabon

Hindi inaksaya ni Janna Victoria ang mga panahon na wala siyang ginagawa sa pelikula at telebisyon. Sa halip ay nag-put up siya ng sarili niyang business na di maglalaon ay magbibigay sa kanya at sa kanyang mga kaibigan at pamilya ng malaking pagkakakitaan.

Kamakailan ay naglabas siya sa market ng sarili niyang sabon, ang Janna Victoria Papaya Whitening Soap at Janna Victoria Bleaching Soap. At dahil sa kanyang sarili muna niya sinubok ito kung kaya siya na rin mismo ang endorser ng sarili niyang produkto na matagal nang itinatanong sa kanya kung ano, simula nang magkaroon siya ng nakakainggit na kutis.

Natural lamang ang Janna Victoria Papaya Whitening Soap, wala itong chemical o additives. enriched din ito ng Vitamin E, nakakapagpapaputi at nakakapigil ng aging process. Ang Janna Victoria Bleaching Soap naman ay inire-rekomenda na gamitin sa umaga bilang sub protection.

Sa paglabas ng kanyang dalawang sabong pampaganda, handa na rin si Janna na balikan ang trabaho na matagal din niyang napabayaan dahilan sa kagustuhan niyang maging isang entrepreneur.

Show comments