Kahit ngayon lang nagkaroon ng sariling album si Arnee, hindi naman ito pahuhuli sa dalawang naunang singers dahil hindi na ito bagito sa mundo ng musika. Marami na itong awards mula sa kanyang pagkabata hindi lang dito sa ating bansa, kundi maging sa labas nito. Galing din sa pamilya ng mang-aawit si Arnee. Ang kanyang lola at great grandma ay mga dating stage actress at radio talent. Ang kuya niya ay ang singer na si Jeffrey Hidalgo at isa sa mga nag-compose ng kanta para sa kanyang album. Marami ang nagsasabi na malalampasan ni Arnee ang kasikatan ng kanyang pamilya.
Sa kaabalahan ni Arnee sa pagpo-promote ng kanyang album na "Arnees: Cold Summer Nights" na release ng Universal Records ay pansamantala muna siyang tumigil sa kanyang pag-aaral sa kursong BS Math sa Ateneo.
As expected, impressive at magaganda ang lahat ng suot na gown ni Pops lalo na nung nag-ala-Moulin Rouge siya sa kanyang opening number. Maging ang international singer na si Ive Mendes na nasa audience ay hangang-hanga kay Pops.
Pero ang higit na nagpasaya sa show ay nang biglang sumulpot si Martin Nievera. Nagwo-work-out si Martin sa gym ng Shangri-La nang hilingan siya ng isang staff na abutan ng isang basong tubig si Pops. Pero bago sumugod si Martin ay tsinek muna nito kung nandun ang bf ni Pops na si Brad Turvey. Kasi, minsan daw ay sumulpot din siya sa isang concert ni Pops, pero hindi niya alam na nasa audience si Brad. Syempre, pinalakpakan ng husto ang duet ng dalawa at ganun din ang mga biruan nila. "Babes" pa rin ang tawagan nilang dalawa. Hanggang ngayon ay may kakaibang magic pa rin ang kanilang tambalan sa stage. Bago umalis si Martin, isinigaw nito na "Ms. Pops Fernandez, the concert queen and the mother of my kids," na tinawanan ng husto ng audience.
Pagkatapos mapanood ni Josh bilang ka-loveteam ni Carol Banawa (Melody) sa Bituin ay naging mabilis na ang pagbabago sa buhay nito. Bago ito ay naging vocalist siya ng bandang Boyz Town.
Ayaw sana siyang payagan ng father niyang lawyer (isang Ombudsman) na pumasok sa showbiz, pero dahil nakita ng kanyang ama na nage-excel siya rito ay sinuportahan na rin siya nito. Ang mahigpit na bilin sa kanya na kapag may pagkakataon ay ituloy nito ang kanyang naudlot na pag-aaral. Kahit hindi na sa dati nitong kursong Med Tech sa Far Eastern University. Bukod kasi sa hilig sa pagkanta ni Josh ay ambisyon din sana nitong maging doktor balang araw. Pero dahil sa malaking pagbabago sa kanyang career ay pinag-iisipan ni Josh na magpalit ng kurso.
Bunso si Michael sa walong magkakapatid. Natuto siyang kumanta at maggitara sa edad na katorse nang maging miyembro ng banda nung high school. Isang malaking secret ang husay ni Michael sa pagkanta sa kanyang pamilya. Kaya nang magpaalam siyang papasok sa showbiz bilang singer ay walang bumilib sa kanya. Ganun na lang ang naging malaking tampo nito sa family niya dahil sa hindi sila naniwala sa kanyang kakayahan. Pero dahil sa talagang hilig nito ang pagkanta ay natupad din ang kanyang pangarap.
Katulad din ng kanyang iniidolong si Ogie Alcasid ay mahilig din itong mag-compose ng mga kanta. Katunayan ay nakapag-submit na rin siya ng isang kanta na gagamitin sa isang soap sa TV.
Kasama rin ni Michael na kumanta sa "Solo" album sina King Girado at Divo Bayer, dalawang singers na unti-unti na ring nakikilala.