Ang isa sa ipinangangamba nito ay baka bawiin sa kanya ang mga produktong ini-endorso niya kung tuluyan na siyang mag-bold. Dapat ay mapanatili niya ang kanyang wholesome image na siyang nire-require sa kanya ng kumpanyang kumukuha sa kanya sa commercials. "Kaya nga never akong maghuhubad. Ang gagawin ko lang naman ay kakanta at sasayaw tulad din ng pinaggagawa ko sa mga nakaraan naming show. Tinitiyak kong walang makikitang maselang parte ng aking katawan."
Aware si Angelica na pinag-iinitan ang kanilang grupo ngayon.
"Sorry pero wala akong dapat ikatakot dahil hindi naman ako naghuhubad. Kung ano man ang ginagawa ng iba kong kasamahan, its beyond my control, diskarte nila yon kaya paano ako masasangkot doon? ALEX DATU