"Wala itong personalan. Nagkataon lamang na bida si Mikey sa pelikula na ayaw ko munang tanggapin dahil parang nasagad ako nitong mga nakaraang buwan. Gusto ko na munang magpahinga," anang sexy star ng Viva at isa sa mga Hot Babes.
May inilabas ang Viva na VCD ni Maui. Pinamagatan itong Maui Taylor: Sex Goddess. Pangatlo ito sa mga sexy VCD series na sinimulan ng Hot Babes at sinundan ng Bare Naked ni Patricia Javier.
Sa direksyon ni Rico Gutierrez, itinatampok si Maui sa video at her sexiest. Kinunan ito sa isang napakagandang private beach. Labing- isang sex goddesses ang ginagampanan dito ni Maui (Goddess of the Ocean, the Virgin Goddess, the Lady Silkworm at marami pang iba na siguradong magbibigay ng pantasya sa mga kalalakihan. Ginamit dito ng direktor ang kanyang kaalaman sa kamera para ma-highlight ang beauty ni Maui. Makikita sa video ang kahusayan ni Maui na makipaglaro sa kamera sa loob ng 60 minuto.
Mabibili ang Sex Goddess sa halagang P250 sa VHS/VCD at P450 sa DVD.
In demand si Maui sa mga sexy shows. Kung dati ay palagi siyang bahagi ng Hot Babes, ngayon ay may mga solo shows siya na ginagawa. Kagagaling lamang niya sa Cebu na kung saan ay SRO ang palabas niya. "Wala na silang mahihiling pa. Naka-t-back ako sa show na see through.
"Ganito rin ang palabas naming magkakasama ng Hot Babes. Magandang audience ang mga Cebuanos. Hindi makuntento na tinutukso lamang sila, they want more na ibinigay naman namin."
Bakit naman sa Manila, parang dinadaya nila ang kanilang audience? Mag-bare man sila, parang ilang segundo lang. "Ang performance namin ay depende sa audience namin. Kung anong gusto nila, yun ang ginagawa namin," sabi pa ni Maui.
Maui is slated to go to Hongkong in October. Sa Sept. 25, nasa Palawan siya kasama ang Masculados. May negotiation pa for her to perform in Singapore.
"Can you blame me kung hindi na ako makatanggap pa ng more movies? Im exhausted, baka last movie ko na for this year ang Bugbog Sarado with Victor Neri," pagtatapos niya.
Ganito rin daw ang naging kapalaran ng isang movie ni Maricar de Mesa, hindi sinuportahan ng manonood dahil sinabi niyang hindi siya nag-bare sa movie.