"Sana magtapos muna sila ng pag-aaral bago sila mag-artista," ang bungad ni Albert sa isang recent interview. "Pero, kung talagang seryoso siya na mag-artista ay susuportahan ko naman siya pero, hindi ko siya hihikayatin o ang sino man sa mga anak ko."
Sa 20 taon ni Albert bilang artista, maswerte siya na napakarami ng mga magagandang pelikula na ginawa niya. Lima lamang ang hiningi ko sa kanya (Segurista-Tikoy Aguiluz; Pangako ng Kahapon-Joel Lamangan; Bata Bata Paano Ka Ginawa? Chito Roño; Ito Ba Ang Ating Mga Anak-Ishmael Bernal at Rizal ni Tikoy Aguiluz rin) pero, humirit pa rin siya ng dalawa pa, Pusong Mamon-Eric Quizon at Sidhi-Joel Lamangan.
"Nanalo ako ng acting award sa mga pelikulang ito maliban na lamang sa Ito Ba Ang Ating Mga Anak na nabigyan lamang ako ng citation, kami ng halos lahat ng co-stars ko sa movie at sa Pangako nag-grand slam ako sa best supporting actor nomination," imporma ni Albert.
Sa kasalukuyan, ginagawa ni Albert ang Captain Barbel para sa Viva/Premiere. Ginagampanan niya ang role ni Lagablab, ang arch enemy ni Captain Barbel. Umaapoy ang kanyang bibig, mga kamay at paa kapag nagagalit siya. Bagaman at hindi isang acting piece ang kanyang role, enjoy siya sa kanyang trabaho sapagkat geared ito to the general public.
"Ive done so many drama and sex drama movies that even my kids couldnt watch in theaters. This is a welcome change. For the first time, pwede nang manood ang mga bata kasama ang kanilang mga kaibigan. First time ko rin na gumanap ng isang comic villain. Alam ko na marami silang kinonsider for the role pero, sa akin ito napunta."
Katulad ni Captain Barbel, naka-costume din si Albert bilang Lagablab, may prosthetics din siya. "Talagang feeling ko, magi-enjoy ako sa pelikula," ani pa ni Albert.
Memorable kay Albert ang mga pelikulang Sidhi at Kapitulo dahilan sa all-out contravida ang mga roles niya rito. Ang pagiging contravida ay mga roles na inaari niyang hamon at hindi makasisira sa kanyang image bilang isang lead actor. "Mas tame ang film compared sa real life, sa pelikula may redeeming values," katwiran niya.
Kasama ni Albert sa Captain Barbel ang isang formidable cast Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Rufa Mae Quinto, Jeffrey Quizon at marami pang iba, sa direksyon ni Mac Alejandre.
Wala namang pagdaramdam mula kay Jojo nang kausapin nila ito at sabihin na napagpasyahan nila na huwag nang mag-bold si Lovely at sa halip ay tumanggap na lamang ito ng mga wholesome roles. O kaya ay mag-concentrate na lamang siya sa kanyang singing. Pumayag naman ang mabait na producer ng World Arts Cinema sa kanilang kahilingan.