Bakit di si Brad ang kuning co-host ni Pops,kung ayaw ni Martin
September 10, 2003 | 12:00am
Although wala pang tahasang pag-amin sa kanilang totoong relasyon na nagmumula kina Pops Fernandez at Australian guy na si Brad Turvey, marami ang nagsasabi na sila na nga base na rin sa nakikita sa dalawa.
Sa preview ng pelikulang Pinay Pie, magkasama silang dalawa. Hindi ikinakaila ni Greg na boto umano siya kay Pops para sa kanyang kakambal. Nagtungo na rin si Pops sa hometown ni Brad sa Australia kaya nakilala na ng ex-wife ni Martin Nievera ang pamilya ng young actor.
Walang dugong Pinoy si Brad dahil ang kanyang ama ay isang Australian-Scottish at ang kanyang ina ay isang Chinese. Napadpad lamang dito sa Pilipinas ang magkapatid for a vacation at tyempo namang nabigyan sila ng break sa showbiz.
Of course, kung hindi matututong magsalita ng Tagalog ang magkapatid, ito ang kanilang magiging setback para umusbong ang kanilang showbiz career sa Pilipinas. Kailangan sigurong magpa-tutor na sila sa pagsasalita ng Tagalog dahil baka matulad sila sa iba na panandalian lamang.
Since tinanggihan ni Martin ang alok ng GMA na muli silang magsama ni Pops sa pagri-revive ng Penthouse Live, bakit hindi na lamang sina Pops at Brad ang pagsamahin sa isang musical-variety show? After all, may talent din si Brad sa paghu-host. O kung hindi man, si Pops o ang Turvey twins ang kanyang co-host.
Sabagay, naisin man ng GMA na pagsamahin sina Pops at Brad o Turvey twins, hindi na ito magiging problema dahil pare-pareho na silang nakakontrata sa nasabing network.
Bukod sa commercial, TV at pelikula, si Brad ay regular na ring napapakinggan sa radio bilang kasama sa tambalang Chico at Delamar sa Morning Rush (6-9 am) sa RX93.1.
Sa kauna-unahang pagkakataon, natuloy din ang pagtatambal nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach sa pelikulang Kung Ako Na Lang Sana na ang titulo at theme song ay mula sa awiting pinasikat ni Bituin Escalante mula sa komposisyon ni Soc Villanueva. Itoy mula sa panulat at direksyon ni Joey Javier Reyes.
Parehong giant na maituturing sina Sharon at Aga sa kanilang respective careers at pareho rin silang top celebrity endorsers. Katunayan, si Sharon ang pangunahing celebrity endorser sa babae at si Aga naman ang kanyang counterpart. Pareho ring top box office drawers ang dalawa bukod pa sa kanilang pagiging award-winning actors. Syempre pa, pareho rin silang happy sa kanilang respective families si Sharon with husband Sen. Kiko Pangilinan with children KC and Frankie at si Aga naman ay may Charlene at ang anak nilang kambal na sina Andres at Atasha.
Para sa marami, dream come true ang tambalan nina Sharon at Aga sa Kung Ako Na Lang Sana na tinatampukan din nina Dominic Ochoa, Jennifer Sevilla, Mickey Ferriols, Christine Bersola, Patrick Guzman, Shintaro Valdez, Gabe Mercado, Butz Aquino, Chat Silayan, Adrian Albert at Reggie Curley. Itoy nakatakdang ipalabas sa September 24 at second movie offering ng Star Cinema sa buwang ito pagkatapos ng Pinay Pie na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga manonood.
Ibinalita sa amin ni Direk Joey Reyes na nakaka-seven days na umano sila ng shooting ng Malikmata, isang horror-suspense movie na siyang entry ng Canary Films sa darating na Metro Manila Film Festival. Itoy tinatampukan nina Rica Peralejo, Marvin Agustin at Dingdong Dantes kasama sina Ricky Davao, Wowie de Guzman, Ana Capri, Barbara Perez, Shintaro Valdez at Jackie Castillejo.
Gaano kaya katotoo ang balitang kumakalat na si Willie Revillame umano ang boyfriend ngayon ng sexy star na si Aubrey Miles at hindi ang napapabalitang si Troy Montero? Ayon sa aming source, mas in love umano si Aubrey sa TV-host comedian kesa si Willie kay Aubrey. Ang dalawa ay magkasama sa noontime program ng ABS-CBN.
Kung totoo man ang balita sa pagitan nina Willie at Aubrey, wala naman sigurong masama dahil pareho naman silang walang sabit. Binatang-binata si Willie matapos ma-annul ang kasal nito sa kanyang dating misis na si Princess Punzalan at dalaga naman si Aubrey. Wala na rin sila Willie at ng kanyang long-time girlfriend na si Sheryl Cosim na taga-ABS-CBN din.
<[email protected]>
Sa preview ng pelikulang Pinay Pie, magkasama silang dalawa. Hindi ikinakaila ni Greg na boto umano siya kay Pops para sa kanyang kakambal. Nagtungo na rin si Pops sa hometown ni Brad sa Australia kaya nakilala na ng ex-wife ni Martin Nievera ang pamilya ng young actor.
Walang dugong Pinoy si Brad dahil ang kanyang ama ay isang Australian-Scottish at ang kanyang ina ay isang Chinese. Napadpad lamang dito sa Pilipinas ang magkapatid for a vacation at tyempo namang nabigyan sila ng break sa showbiz.
Of course, kung hindi matututong magsalita ng Tagalog ang magkapatid, ito ang kanilang magiging setback para umusbong ang kanilang showbiz career sa Pilipinas. Kailangan sigurong magpa-tutor na sila sa pagsasalita ng Tagalog dahil baka matulad sila sa iba na panandalian lamang.
Since tinanggihan ni Martin ang alok ng GMA na muli silang magsama ni Pops sa pagri-revive ng Penthouse Live, bakit hindi na lamang sina Pops at Brad ang pagsamahin sa isang musical-variety show? After all, may talent din si Brad sa paghu-host. O kung hindi man, si Pops o ang Turvey twins ang kanyang co-host.
Sabagay, naisin man ng GMA na pagsamahin sina Pops at Brad o Turvey twins, hindi na ito magiging problema dahil pare-pareho na silang nakakontrata sa nasabing network.
Bukod sa commercial, TV at pelikula, si Brad ay regular na ring napapakinggan sa radio bilang kasama sa tambalang Chico at Delamar sa Morning Rush (6-9 am) sa RX93.1.
Parehong giant na maituturing sina Sharon at Aga sa kanilang respective careers at pareho rin silang top celebrity endorsers. Katunayan, si Sharon ang pangunahing celebrity endorser sa babae at si Aga naman ang kanyang counterpart. Pareho ring top box office drawers ang dalawa bukod pa sa kanilang pagiging award-winning actors. Syempre pa, pareho rin silang happy sa kanilang respective families si Sharon with husband Sen. Kiko Pangilinan with children KC and Frankie at si Aga naman ay may Charlene at ang anak nilang kambal na sina Andres at Atasha.
Para sa marami, dream come true ang tambalan nina Sharon at Aga sa Kung Ako Na Lang Sana na tinatampukan din nina Dominic Ochoa, Jennifer Sevilla, Mickey Ferriols, Christine Bersola, Patrick Guzman, Shintaro Valdez, Gabe Mercado, Butz Aquino, Chat Silayan, Adrian Albert at Reggie Curley. Itoy nakatakdang ipalabas sa September 24 at second movie offering ng Star Cinema sa buwang ito pagkatapos ng Pinay Pie na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga manonood.
Kung totoo man ang balita sa pagitan nina Willie at Aubrey, wala naman sigurong masama dahil pareho naman silang walang sabit. Binatang-binata si Willie matapos ma-annul ang kasal nito sa kanyang dating misis na si Princess Punzalan at dalaga naman si Aubrey. Wala na rin sila Willie at ng kanyang long-time girlfriend na si Sheryl Cosim na taga-ABS-CBN din.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended