Magarbong celebration ang ginawa ng
ASAP to pay tribute to the future bride na si
Lea Salonga last Sunday. Hataw sa mga production numbers ang ginawa ng mga
ASAP regulars along with guests
Shaina Magdayao, Alyssa Gibbs at
Roselle Nava sa medley ng mga hits songs ng international star at maging ang song numbers led by
Piolo Pascual. Wala ring tatalo sa napakagandang rendition ng mga divas sa kanilang hit songs with Lea. Kasama sa song number sina
Zsaza Padilla, Gary Valenciano, Kuh Ledesma at
Martin Nievera. Aminin man natin o hindi, tila isang concert ang napanood ng mga
ASAP viewers nung Linggo. Walang itulak kabigin sa ganda ng line-up ng mga songs at syempre ang galing ng mga nasabing singers ay talagang panalo.
Bukod sa blooming si Lea, halata namang very appreciative ang singer sa ginawang ito ng
ASAP. Wala pa ring kupas ang ganda at galing niya. Imposible ring hindi niya mapuno ang PICC sa kanyang nalalapit na concert. Kahit pa kasabay ito ng
F4 concert, siguradong marami ang manonood sa kanya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nag-concert dito. Ang nasabing concert ni Lea ay magtatampok ng mga all time favorite Filipino hits through the years kasama ang
Manila Philharmonic Orchestra. Speaking of
ASAP, na-touched naman si
Kristine Hermosa sa kanyang 20th birthday celebration. Maiyak-iyak siya nang mapanood ang VTRs ng mga nakatrabaho niyang directors sa movies at TV. Maging ang song number at interview nina T
ita Mai, Kathleen at kapatid na si
Maxine ay halata mong very heart warming para sa magandang aktres. Surprise rin ng araw na iyon ang ilan sa mga naka-trabaho at naka-loveteam niya sa showbiz na sina
Dominic Ochoa at
Baron Geisler. Finale naman sa pagkanta si
Jericho Rosales at halos hindi matigil sa hiyawan ang mga fans sa studio. Very sweet na kumanta ang dalawa na animoy walang nanonood sa kanila.
Lalo naming hindi kinaya ang sigawan at palakpakan ng mga fans sa studio nang halikan ni Echo si Kristine sa lips bukod sa kanilang mahigpit na yakapan. Isang patunay lamang na hindi pa rin nawawalan ng kupas ang kanilang tambalan inspite of the rumors na wala na raw tagasubaybay ang dalawa. Hindi pa rin natitinag ang mga avid Echo-Tin fans sa pag-suporta sa lahat ng projects ng dalawa lalo na ang kanilang daily soap na
Sanay Wala Nang Waskas. "Kahit ano pa ang sabihin nilang paninira kina Echo at Tin, nandito pa rin kami para suportahan sila," madiing sabi ng isang loyal fan.
Kung tutuusin, wala naman talagang pumapatol sa mga naninira sa kanila dahil ang katotohanan naman talagay ang tambalan ng dalaway isa sa mga most loved tandems. Ako mismo ay saksi sa kanilang sweetness kaya walang basehan ang ibang nasulat na hindi sila nagbabatian kahit pa magka-loveteam. Kahit pa nali-link sila sa iba ay wala ring pakialam ang dalawa dahil importante sa kanila ay mapanatili ang magandang rapport at pagiging magkaibigan.
Matapos ang maintrigang lifestory ni
Angelica Jones, isang kwelang episode ang mapapanood sa darating na Huwebes kung saan ang istorya ng rap group na
Salbakuta ang bibigyang buhay sa
Maalaala Mo Kaya. Dalawa sa gaganap sina
Ryan Eigenmann at
Vhong Navarro. Teaser pa lang ay mukhang marami na ang naiintriga. Abangan ito sa Huwebes after
Sanay Wala Nang Wakas.