Miss na ni Donna Cruz ang showbiz

Nakakwentuhan namin si Donna Cruz na guest sa live presentation ng All About You hosted by Mikee Cojuangco sa Alabang Town Center last Sunday.

Nagkakaisa sa pagsasabi ang lahat na hindi totoo ang balitang battered wife ito. Una, hindi siya mukhang problemado, magandang-maganda pa rin ito at seksi kung saan hindi talaga mapagkakamalang ina ng dalawang anak. Kasama nito ang asawang si Yong at nang hanapin namin ay sinabing ipinagsa-shopping ang anak.

Inamin nito na pabalik din sila ng Cebu that day. "Super tahimik na ang aking buhay at talagang nami-miss ko na ang pagkanta. Okey akong mommy dahil sapul pa noon ay mahilig na ako sa mga bata. Okey din ako bilang asawa ni Yong at I’m happy," sey nito.
Chiqui, Balik- Showbiz
Naroroon din si Chiqui Hollman-Yulo na nagbigay naman ng tips tungkol sa personality development. Abala kasi ito ngayon sa Dove promo na siyang sponsor ng program ni Mikee.

Maganda pa rin ito at magaling sa pagpapaliwanag kaya parang naghu-host ng Eat Bulaga at Lunchdate noon ang dating.
Mikee, Inihahambing Kay Kris
Hindi maiwasan ng mga press people na paghambingin sina Kris Aquino at Mikee Cojuangco. Kung ano ang pagkabongga ng una pagdating sa pananamit at make-up ay taliwas naman ito sa huli. Simpleng-simple lang si Mikee pero talagang maganda kung saan hindi ito gaanong mahilig sa alahas at simple rin kung mag-make-up. Pagdating sa intriga ay wala kang maririnig dito, mas gusto nito ang tahimik na buhay sa piling ng asawa at dalawang anak.

Type pa rin nitong lumabas sa pelikula kung mabibigyan ng tamang proyekto. Nag-duet nga sila ni Donna Cruz sa programa kung saan nagkasama sila sa pelikulang Do Re Me noon under Viva Films.
Lovely, Ayaw Mag-Bold
Nag-aaral pala si Lovely Mansueto sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa kursong Mass Communication. Hirap siya sa schedule dahil may iba pa itong showbiz commitment kaya balak na lumipat sa Benilde ng De La Salle University. Scholar si Lovely kaya desidido itong tapusin ang kurso kung saan pangarap na maging newscaster gaya nina Korina Sanchez at Mel Tiangco.

May ginawa itong pelikula sa World Arts Cinema pero talagang ayaw niyang maghubad. Pwede itong magpa-sexy dahil flawless din ang complexion at maganda rin ang katawan pero hanggang doon lang.

Nakalinya na ang pelikulang Kapitan Kidlat na tatampukan ni Mikey Arroyo.
Julia, May Naipundar Na Kabuhayan
Hanga kami sa abilidad ni Julia Lopez na sumikat na rin bilang sexy star. Nakausap namin ito sa birthday celebration ni Wilson Tieng. Sa lahat yata ng sexy stars ay bibilib ka pagdating sa pagiging masinop nito sa pera. Mayroon siyang negosyo sa Cebu kung saan masasabing matatag na ang buhay nito. Tatlo ang kanyang sasakyan-Ford 150, Pajero at itim na Civic Honda, kung saan siya ang nagmamaneho.

Marami tuloy ang naiintriga sa kanya at nagtatanong kung sino ang kanyang superdatung na papa na nag-sponsor ng kanyang bonggang birthday celebration. Huwag isnabin at ginawa lang naman ito sa poolside ng Intercon kamakailan.

Hindi naman nababakante sa paggawa ng pelikula si Julia dahil palaban din ito pagdating sa paghuhubad at flawless din ang kutis.
* * *
Nakikiramay kami sa pagpanaw ng aming kapatid sa hanapbuhay na si Mario Garcia at patuloy ang aming pagdalangin sa magandang kalusugan ng aming mahal na si Ate Luds (Inday Badiday) Carvajal gayundin kina Melchor Bautista at Ed de Leon.

Show comments