Namatay na kaso ni Angelica Jones, bubuhayin sa TV

Sa imbestigasyon ni Roxy Liquigan, AdProm Director ng Star Cinema ay nagkaroon kami ng pagkakataon na mapanood ang Kung Ako Na Lang Sana, ang first screen team up nina Sharon Cuneta at Aga Muhlach. At ‘tulad ng aming inaasahan, napakaganda ng pelikula. Ibang klase ang takbo ng istorya,hindi natali sa nakasanayang kwento ng pag-ibig at pagkakaibigan.

Kwento ito ng dalawang matalik na magkaibigan na kung kailan pa dumaan ang mahabang panahon ay nalaman na may pagtingin pala sila sa isa’t isa. Ang ganda ng kwento pati ang performance nina Aga at Sharon. Lalo naming hinangaan ang kahusayan ng isang Jose Javier Reyes.

Kahit ang mga supporting stars na sina Dominic Ochoa, Tintin Bersola at Mickey Ferriols ay pinahanga kami. Sa nasabing movie ay napatunayan namin na may akting-husay pala ang mabait at mahusay na TV host. Wala ring masabi kina Patrick Guzman, Gabe Mercado, Adrian Albert at Reggie Curley.

Tiyak na matutuwa ang mga tagahanga nina Aga at Sharon na matagal ng umaasam na magsama ang dalawang big stars sa isang pelikula. Ang mga Sharonians naman ay magpipyesta dahil bago tuluyang magpahinga sa paggawa ng movie ang kanilang idolo ay makakapanood sila ng isang magandang pelikula nito with Aga Muhlach pa.

Ang Ikaw Na Lang Sana ay mula sa hit song ni Bituin Escalante, ang top prize winner sa Himig Handog Love Songs last year. Showing ang movie sa September 24.
* * *
Habang sinusulat namin ang column na ito ay nakatanggap na kami ng balita na super-lakas sa takilya ang Pinay Pie na pinagbibidahan nina Aiai delas Alas, Joyce Jimenez at Assunta de Rossi. Ito ay sa kabila ng napakalakas ng ulan noong Martes kung kailan nag-showing ang movie.

Napanood na namin ang movie sa special screening noong Lunes at kami man ay talaga namang tumawa ng husto. Lahat ng mga nanonood sa Studio One ay lumalabas nang nakatawa.

All out comedy ito at talaga namang napakakwela. Unlike Tanging Ina na may drama parts, ang Pinay Pie ay isang pelikula na punung-puno ng katatawanan.

Mahusay ang pagkaka-diskubre ng mga eksena ng tatlong bidang babae.

By this time ay tiyak na nagpapakita pa ito ng lakas sa takilya. Hindi rin kasi pwedeng tawanan ang kahusayan ni Aiai sa pagpapatawa. Iba ang kanyang istilo kumpara sa kanyang mga kasama sa movie.

Kahit ang male stars ng movie ay nakakaaliw din ang eksena. Tinitilian ng husto ang torrid kissing scene nina Aiai at Carlos Agassi. Kwela sina Onemig Bondoc, Rafael Rosell at Vhong Navarro.

Gusto kong batiin sina Aiai, Assunta at Joyce, Direk Joey Reyes, Ms. Elma Medua at lahat ng bumubuo ng Pinay Pie sa malaking tagumpay ng pelikula.
* * *
Kung tutuusin ay walang verdict sa reklamong isinampa ni Angelica Jones noon kay Jojo Veloso. Kung inyong matatandaan, inireklamo ni Angelica si Jojo ng pambubugaw. Umabot pa sa senado ang isyu na sinawsawan naman ng mga pulitiko. Pati ang mga sinasabing tapes ni Jojo ng mga hubad na lalaki ay inilabas din. Maraming malalaking tao sa industriya ang nadamay.

Pagkatapos ng sunud-sunod na hearing, wala na kaming nabalitaan tungkol sa kaso. Namatay na lang ito na hindi na nabibigyan ng resolution.

Mamayang gabi ay ipapalalabas ang life story ni Angelica Jones sa Maalaala Mo Kaya kung saan siya mismo ang gumaganap sa kanyang role. Sa plug ay ipinapakita ang video ng actual confrontation nina Angelica at Jojo sa Senate hearing. May mag-react kaya sa mga mapapanood natin mamayang gabi?

Tiyak na exciting ang episode na ito dahil bukod sa makulay ang kwento ng buhay ni Angelica, ito ang kauna-unahang lalabas siya ng drama. Si Aiza Marquez ang gaganap na young Angelica at si Sylvia Sanchez bilang Mommy Beth.

Si Gilbert Perez ang nagdirek ng episode at sinulat naman ni Maribel Ilag.
* * *
For your comments and reactions, you can email me at ericjohnsalut@yahoo.com

Show comments