Ara, pikon na kay Aiko?

Nanahimik na sa isyu si Ara Mina tungkol sa mga sinasabi ni Aiko Melendez pero nagsalita na rin ito sa wakas. Kahit ipinagdiinan nito na hindi siya ang tunay na dahilan ng pagkakahiwalay nina Aiko at Jomari Yllana, feeling ng seksing aktres ay ginagamit siya ng ex-wife ni Jomari.

Sa kabila ng intriga sa kanya ngayon ay hindi apektado si Ara dahil secure siya sa pagmamahal ni Jomari.
Jolens, Nakakatulog Sa Pagod!
Dalawa ang sasakyang ginagamit ni Jolina Magdangal gaya ng Roadtrek at pulang Ford E-150. Excited na ngayon ang aktres dahil may bago siyang imported na sasakyan na manggagaling pa sa Amerika. Siya bale ang kauna-unahang artista na magkakaroon ng ganito kabonggang sasakyan.

Balak na nga nitong ibenta ang Roadtrek dahil sa bagong biling sasakyan na nanggaling sa kanyang sariling pawis at nagkakahalaga ng P4M!

Hindi naman kataka-takang makabili siya ng ganitong kamahal na sasakyan dahil sa dami ng raket (pagkakakitaan). Kaya naman kadalasan sa sobrang pagod ay nakakatulog na ito at ang mommy na lang niya ang nag-aalis ng kanyang make-up.
Tanya, Type Ding Maging Kontrabida
Malaki ang naitulong ng telenobela kay Tanya Garcia dahil nakilala agad siya ng mga tao. Katunayan, enjoy siya noong ginampanan ang papel nina Cecilia at Olga sa magkaibang katauhan sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

Ayon sa magandang aktres, payag siyang maging kontrabida dahil challenging ang ganitong klase ng role. May bago itong soap opera na idinidirek ni Dingdong Dantes.

Balak nitong magtapos ng Mass Com kahit abala sa trabaho dahil may kaugnayan ito sa kanyang trabaho bilang artista.
Seminar Tungkol Sa Speech Personality Development
Kilala na ang Becky Aguila Entertainment and Marketing Services na nagma-manage ng career ng mga sikat na kabataang artista sa kasalukuyan gaya nina Angel Locsin, Karen delos Reyes, Shermaine Santiago, Valerie Concepcion, Denise Laurel at marami pang iba.

Ito rin ang tumulong para mahasa sa pag-arte ang mga ito at tumutulong sa mga baguhan sa iba’t ibang programa ng GMA.

Mago-offer ito ng Speech and Personality Development Workshop na magsisimula sa September 20 (5-6 session) na makakatulong sa pagkakaroon ng self-confidence na magiging daan para magkamit ng tagumpay sa iskuwela, profession at social life.

Magtatapos ang seminar sa October 25 at ito’y idaraos tuwing Sabado mula 9-11:30 a.m. Tumawag lang sa telepono blg. 9328261/932826 at hanapin si Cecile para sa karagdagang detalye.
Blind Item: Sikat Na Young Couple, Nagtatagpo Sa Hotel
May nakapagbulong sa akin na madalas nagtatagpo ang isang young couple sa isang sikat na hotel somewhere in Makati. Hindi kaya mabuntis ang magandang aktres sa kanilang ginagawa? Kunsabagay, very vocal naman sa pagsasabi ang young actor na handa niyang pakasalan someday ang kanyang nobya.

Inglisera ang aktres at kasali ito sa isang teleserye tulad din ng nobyo niyang aktor na bata pa ay nasa showbiz na.

Show comments