'First Time' sasabog na

Pagkatapos pasikatin ng Viva Films sina Maui Taylor, Katya Santos at Andrea del Rosario via their own bold movies, ang ibang Hot Babes, Myles Hernandez, Gwen Garci at Jen Rosendahl naman ang nakatakdang ilunsad sa boldest movie ever ng Viva!

Mula sa panulat ni Quark Henares at direksyon ni Lyle Sacris, ang First Time na isang trilogy, ay ang sinasabing pinakamahalay na pelikulang gawa ng Viva.

Ganon pa man ay tiniyak ni Direk Lyle na hindi malaswang lumabas ang lahat. "Gaano man ka-bold and daring ang mga eksena sa pelikulang ito I made sure na artistically executed ang mga ito," sabi ni Direk Lyle. "Besides, Viva has this image of doing glossy movies kahit na bold ang genre," dagdag pa niya.

Maliban kina Myles, Gwen at Jen, kasama rin sa First Time sina Kristine Jaca, Hazel Cabrera at ang bagong contract star ng Viva na si Asia Agcaoili.

Ang First Time, na tinaguriang Bomba-Maestra ng Viva ay nakatakdang pumutok sa takilya on September 17.

Show comments