Ang kwento ay umiikot sa buhay ng isa sa pinakamagandang babae sa Korea, si Eun Suh. Dahil napalitan sa ospital na kanyang pinanganakan, hindi alam ni Eun Suh at ng kanyang mga nakagisnang magulang ang sikretong ito hanggang sa naganap ang isang aksidenteng nagbulgar sa mapait na katotohanan. Ang tunay na anak ng mga magulang ni Eun Suh ay nagkataon ang nangungunang karibal nito sa eskwelahan na si Shin Ae. Napilitang lisanin ni Eun Suh ang tahanan at pamilyang dati niyang kinabilangan at naging isang mahirap. Bagaman masakit sa loob ng nakagisnan niyang mga magulang, lalo na ang kanilang binatang anak na si Yoon Jun Suh, kinailangan na nilang lumipad patungong Amerika. Pagkaraan ng maraming taon, bumalik ang ngayoy gwapo at cultured na si Yoon Jun Suh sa Korea bilang isang successful artist na (nakatakdang) magpakasal.
Samantala, ang kanyang bestfriend ay na-in love ng husto kay Eun Suh. Nang magtagpo muli ang landas nina Eun Suh at Yoon Jun Suh, hindi nila inaasahang mahuhulog silang tuluyan sa isat isa. Ano ang kahahantungan ng love triangle na ito na mauuwi sa isang trahedya?
Subaybayan ang Endless Love simula Miyerkules, September 3 pagkatapos ng Habang Kapiling Ka.