Jograd, aktibo sa negosyo
September 1, 2003 | 12:00am
Habang naghihintay ng kanyang muling pagbabalik sa telebisyon, abala si Jograd dela Torre sa kanyang mga negosyo.
Bukod sa kanyang bar, ang Jog999 Executive Lounge and Piano Bar (nasa Princeton St., corner Shaw Blvd. sa Mandaluyong City), siya rin ang nangangasiwa ng Jograd Talent Hauze, isang talent promotions and management company, na tumutulong sa pagpapadala ng mga talent sa ibang bansa.
Nakapagpadala na ng maraming talents ang kanyang kumpanya sa Japan, pero nilinaw ni Jograd na ang kanyang kumpanya ay hindi isang processing agency. "Tumutulong lamang kami para sa kanilang pag-alis at pagkumpirma ng pagtatrabahuhan," ayon kay Jograd.
Bukod dito, sinusuportahan din niya sa pinansiyal na aspeto ang mga talent na hindi kaya ang pagtira sa Maynila habang naghihintay ng kanilang pagkakataong makaalis ng bansa.
"Alam naman natin na karamihan sa mga babaeng ito ay galing sa mahihirap na pamilya," aniya. "So, kung talagang may potensyal sila bilang entertainer, nararapat lamang na tulungan sila. Bukod dito, binibigyan namin sila ng proper training, at habang wala pa silang kakayahan, kami pa rin ang nagpo-provide ng lahat sa kanila, mula sa damit hanggang pagkain.
"Hindi namin tino-tolerate ang mga di magandang gawain ng ibang talent," pagdidiin ni Jogard.
Bukas, ang Jograds Talent Hauze sa mga babae, na may edad 18 pataas, na interesadong magtrabaho bilang entertainer sa ibang bansa. Maaari silang tumawag o mag-text sa 09197903934 o mag-e-mail sa [email protected].
May plano ba siyang lumahok sa pulitika?
"Para sa akin, isang uri na ito ng pagsisilbi sa tao," ani Jograd.
Abangan ang pagbabalik ni Jograd sa telebisyon bilang isang komedyante.
Noong 80s, ang bata pang si Jograd ay co-host ni Nora Aunor sa longest running show, Superstar kasama si German Moreno.
Bilang performer, napapanood siya sa Cowboy Grill tuwing Martes at Linggo, kasama ang Thinkers Band.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended