Sinabi niya na naron na siya nang maisip niya na baka nga magkaroon ng kulay ang ginawa niya. Pero, late na kung aatras siya, naroroon na siya at naka-set na ang interview niya.
Speaking of TJ, unti-unti itong nagiging idolo ng masa. Kung nung una ay aloof ang mga fans dahil akala nila ay suplado ito, ngayon ay all out na ang suporta nila sa kanya sapagkat nakita nilang mabait ito pero may pagka-mahiyain lamang.
Maraming fans na ang kinikilig sa tandem ng dalawa bagaman at madalas pa ring sabihin ni Kyla na hindi sila isang item dahil may girlfriend na si JayR. Bilang bahagi ng SOP, nakikita ko na may rapport sila at ang trato ni JayR sa kanya ay pagtrato ng isang lalaki sa isang minamahal na babae.
Sabi rin ng editor ko, si Vero, SRO daw ang comeback concert ng The Boyfriends na ginanap last week sa Virgin Cafe. Obvious na na-miss ng tao ang mga awitin ng trio na nagbabalik bilang isang dueto dahil ang ikatlong member nila ay nasa US na.
Ang napapansin ko lang bukod sa mas magaganda ang mga awitin nung 60s to 80s ay may rhythm ang mga musikero nun. Maluma man ang mga awitin nila, hindi nawawala ang rhythm. At kapag narinig mo ito, hindi mo napapansin, gumagalaw na ang isa mong paa.