Upcoming sexy star, yaya ng anak ng sexy actress
September 1, 2003 | 12:00am
Naging kontrobersyal ang lovelife ng sexy star na myembro ng isang grupo ng seksing kababaihan nang makarelasyon niya ang dating nobyo ng sikat na aktres ngayon kung saan nagkaanak ang dating magkarelasyon. Pero pilit itong idini-deny ng sikat na aktres.
Ngayon ay magka-live-in ang sumisikat na sexy star at ang ex-bf ng isang actress. Sinabi ng aking source na may lovechild ang actress sa ex-boyfriend niya na nobyo nga ngayon ni sexy star na nasa pangangalaga ng lalaki. Ang the height pa ng balita ay ang present gf ng guy ang nag-aalaga o tumatayong nanay-nanayan sa lovechild ng actress sa kanyang ex-bf.
Ang sikat na actress na may anak na kahit ayaw niyang aminin ay pambato ng isang kumpanya pagdating sa kaseksihan at in-demand sa pelikula at telebisyon. Ilan-ilan ang programa niya samantalang ang present bf ng non-showbiz guy ay nagbabalik showbiz matapos magluka-lukahan.
Lumipat na si Janice de Belen sa isang condo sa may Greenhills. Iniwan na nilang mag-iina ang kanilang bahay na naipundar nila ni John Estrada. Ayaw na kasi nitong maalala pa ang nakaraan sa kanilang buhay.
Inamin ni Janice na napatawad na niya ang dating asawa pero sa ngayon ay hindi pa siya handang makipagkaibigan sa actor/TV host.
Nang tanungin kung sinusustentuhan ba ng aktor ang kanilang anak ay ayaw nitong mag-comment pero bakas sa kanyang mukha na tila kulang ang dating asawa pagdating sa financial support sa kanilang mga anak.
Huminto muna si Janice ng kanyang pag-aaral ng AB Psychology sa Ateneo dahil lagi siyang nagkakasakit dahil sa rami ng trabaho.
Enjoy si Janice sa kanyang pagiging talk show host ng S-Files at Sis na may bagong segment na "Sis Makeover to the Max" na maghahandog ng cosmetic surgery sa mga letter senders para maibalik ang self-esteem.
May offer pala kay Kuya Germs Moreno ang bagong pamunuan ng ABC 5 para maibalik ang kanyang programang Thats Entertainment. Inaasam-asam ito ng Master Showman na maibalik ang kanyang programa na tumutuklas sa talino ng mga kabataan.
Pero knowing Kuya Germs, may loyalty siya sa Siyete pero sinabi nito na sakaling tatanggapin niya ang offer ay magpapaalam muna siya ng maayos sa Channel 7.
Sa kabilang banda, pumayag itong maging guest speaker ng aming Soroptimist International Dasma-Salcedo Club sa gagawing seminar tungkol sa Drug Prevention Program sa Dasmariñas National High School sa September 22, 3 p.m. sa pakikipagtulungan kay Mayor PD Barzaga ng Dasmariñas, Cavite.
Gaganap na namang superhero si Bong Revilla bilang Kapten Barbel na entry ng Viva Films at Premiere Productions sa Metro Manila Film Festival.
Nagda-diet ito nang husto at naggi-gym para gumanda ang katawan. Kailangan kasing hapit sa katawan ang costume ni Kapten Barbel. Tiniyak ng aktor na bago simulan ang syuting ay mala-Superman na ang kanyang katawan.
Sa Sept. 5 ay kaarawan ng isa sa well-loved movie producer na si Wilson Tieng ng Solar Films. Malaki ang naiaambag ni Wilson sa movie industry bilang presidente ng Movie Producers Distributors Association of the Philippines (MPDAP) at executive member ng Manila at Metro Manila Film Festival. Isa rin ito sa tumutulong para masugpo ang film piracy.
Higit na bumata ang mabait na produ matapos sumailalim ng kidney transplant kaya ngayong kaarawan nito ay gusto naman niyang iselebrayt ito sa piling ng malalapit na kaibigan sa industriya.
Happy Birthday Boss Wilson!
Ngayon ay magka-live-in ang sumisikat na sexy star at ang ex-bf ng isang actress. Sinabi ng aking source na may lovechild ang actress sa ex-boyfriend niya na nobyo nga ngayon ni sexy star na nasa pangangalaga ng lalaki. Ang the height pa ng balita ay ang present gf ng guy ang nag-aalaga o tumatayong nanay-nanayan sa lovechild ng actress sa kanyang ex-bf.
Ang sikat na actress na may anak na kahit ayaw niyang aminin ay pambato ng isang kumpanya pagdating sa kaseksihan at in-demand sa pelikula at telebisyon. Ilan-ilan ang programa niya samantalang ang present bf ng non-showbiz guy ay nagbabalik showbiz matapos magluka-lukahan.
Inamin ni Janice na napatawad na niya ang dating asawa pero sa ngayon ay hindi pa siya handang makipagkaibigan sa actor/TV host.
Nang tanungin kung sinusustentuhan ba ng aktor ang kanilang anak ay ayaw nitong mag-comment pero bakas sa kanyang mukha na tila kulang ang dating asawa pagdating sa financial support sa kanilang mga anak.
Huminto muna si Janice ng kanyang pag-aaral ng AB Psychology sa Ateneo dahil lagi siyang nagkakasakit dahil sa rami ng trabaho.
Enjoy si Janice sa kanyang pagiging talk show host ng S-Files at Sis na may bagong segment na "Sis Makeover to the Max" na maghahandog ng cosmetic surgery sa mga letter senders para maibalik ang self-esteem.
Pero knowing Kuya Germs, may loyalty siya sa Siyete pero sinabi nito na sakaling tatanggapin niya ang offer ay magpapaalam muna siya ng maayos sa Channel 7.
Sa kabilang banda, pumayag itong maging guest speaker ng aming Soroptimist International Dasma-Salcedo Club sa gagawing seminar tungkol sa Drug Prevention Program sa Dasmariñas National High School sa September 22, 3 p.m. sa pakikipagtulungan kay Mayor PD Barzaga ng Dasmariñas, Cavite.
Nagda-diet ito nang husto at naggi-gym para gumanda ang katawan. Kailangan kasing hapit sa katawan ang costume ni Kapten Barbel. Tiniyak ng aktor na bago simulan ang syuting ay mala-Superman na ang kanyang katawan.
Higit na bumata ang mabait na produ matapos sumailalim ng kidney transplant kaya ngayong kaarawan nito ay gusto naman niyang iselebrayt ito sa piling ng malalapit na kaibigan sa industriya.
Happy Birthday Boss Wilson!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am