^

PSN Showbiz

'Hindi ko type si Niño - Criselda Volks

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sa wakas ay lumitaw na rin si Criselda Volks para sagutin ang isyu tungkol sa kanila ni Niño Muhlach. Siya ang naakusahang naging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa, lalo na’t pinangalanan na siya ni Edith bilang third party sa naganap na hiwalayan.

Rebelasyon para sa amin ang sinabi ni Criselda na may anak na pala sila ni Cris Villanueva, dalawang taon na ngayon si Rafaeil, ang tunay na pangalan ng bata.

‘Yun pala ang dahilan kung bakit matagal na panahon ding nawala sa sirkulasyon si Criselda. Nagpaka-nanay muna pala siya kay Rafaeil, pero ngayon ay plano na niya uling bumalik sa showbiz nang tuluy-tuloy.

"We never had a relationship," simulang pahayag ni Criselda na si Niño ang tinutukoy. Kaya ayon sa kanya ay walang dahilan at karapatan si Edith para siya pagselosan at idamay sa problema nito kay Onin.

Magkaibigan lang sila ni Onin, ayon sa maganda pa ring si Criselda. Lumalabas man sila noon ay hindi naman silang dalawa lang dahil marami silang magkakaibigan sa grupo.

Aminado si Criselda na nang maging magkaibigan sila ni Onin ay pansamantala silang naghiwalay ni Cris Villanueva. ‘Yun ang mga oras na lahat ng kaibigan ay napagsasabihan niya ng kanyang mga sama ng loob at isa nga ang dating child wonder sa mga nakinig sa kanya.

Pero hanggang du’n lang daw ‘yun, higit sa pagiging magkaibigan ay wala nang namagitan sa kanila ni Onin. Kaya nagulat na lang siya nang lumutang ang balitang homewrecker siya.

"Hindi ako galit sa kanila, nasaktan lang ako. I didn’t like the impression na ako ang naging dahilan ng hiwalayan nila. It’s not true, hindi ako ang dahilan, marami akong alam tungkol kay Niño na hindi ko na lang idedetalye pa, much better kung kayo na lang ang magtatanong sa kanya," makahulugan pang sabi ni Criselda.
* * *
Ang maganda kay Criselda ay hindi siya nagtatanim ng galit kahit sa mga taong nakapanakit ng kanyang damdamin. Kahit kay Edith ay may sinabi siyang kahanga-hanga, ganu’ng ang pangalan na nga niya ang nalagay sa alanganin.

"Kung sa palagay niya, e, nasaktan ko siya deliberately which is not true naman, I’m saying sorry to her. I can’t blame her, that’s just a natural reaction of a woman who’s fed with the wrong information.

"Kahit naman siguro ako si Edith, ganu’n din ang gagawin ko, dahil ang akala nga niya, ako ang third party sa nangyari sa kanila ni Onin.

"But I’m saying this, hindi ko type si Onin, hindi siya ang tipo ng lalaking makakarelasyon ko, ayoko sa mga lalaking madaldal, I love quiet men like Cris.

"Hindi ko siya pinipintasan or anything, pero talagang hindi ko type si Onin, meron akong alam tungkol sa kanya, pero ayoko na lang magsalita ‘coz they’re fixing their differences now.

"Ang mali lang kay Onin, iba ang sinasabi niya kay Edith and he’s telling me a different story also, kaya heto ngayon, siya ang naiipit," sabi pa ni Criselda.

Ang manager na niya ngayon ay si Ihman Isturco, dating manager ni Aleck Bovick, na marami ang nagsasabing kamukha raw niya. Ngiti lang ang reaksyon ni Criselda sa opinyon ng marami, hindi niya sinabing may pagkakahawig nga sila ni Aleck, pero hindi rin siya tumanggi.

"I want to clear lang na hindi ako homewrecker, hindi ko naging karelasyon si Niño, I want my name out of this mess, please lang," sabi pa ni Criselda Volks.

Maganda pa rin si Criselda, kahit ang anino ng panganganak ay wala sa kanyang itsura, at malakas pa rin ang kanyang karisma at dating.

AKO

CRIS VILLANUEVA

CRISELDA

CRISELDA VOLKS

LANG

NIYA

ONIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with