"Maganda pa naman siya, pero parang sawa na ang tao sa kanya. Hindi na siya pinapansin kahit yung mga dating kalalakihan na nagi-ilusyon sa kanya."
Ang sexy actress na ito ay naging hot item ng isang movie company at nakagawa rin ng marami-raming pelikula. Pero ngayon ay ayaw na niyang mag-bold, mas kuntento na raw siya sa wholesome roles kahit sa TV lang.
"Sobra ang talent nong bata," sabi niya in a chance interview.
Pakiramdam niya kung nasubaybayan ng buong bayan kung saan nanggaling ang isang Regine Velasquez - kung paano nagsimula ang career niya at kung paano niya narating ang trono ng kanyang tagumpay sa kasalukuyan ay malamang na ganito rin ang puwedeng mangyari sa alaga niyang si Sarah.
Si Sarah na 14-years old ay ang kauna-unang nanalo sa P1 million talent search na Star for A Night hosted by Regine Velasquez kung saan naging monster hit ang winning song niyang "To Love You More" na originally sang by Celine Dion.
"Hindi pa lahat agree na kantahin niya yun," she recalls. Pero nang i-try ni Sarah na kantahin, lumabas daw na mas mataas pa ng two notes ang timbre ng boses ni Sarah sa original version ni Celine.
Kaya nga sa pagpasok niya sa recording industry, maraming nagsasabi na nakita na ng Viva ang susunod sa yapak ng isang Regine Velasquez.
Apat na taong gulang lang si Sarah nang una siyang makita sa Pen-pen de Sarapen. Pagkatapos ng dalawang taon, nagkaroon na siya ng mini-concert sa Isetann Cinema Complex sa Recto Avenue, Manila. At sa edad na walong taon, nagpi-perform na siya sa mga hotel lounges, school, shopping malls at nagi-guest na rin siya sa ibat ibang TV shows.
Noong panahon ding yun nang makasama siya sa Ang TV at gumanap ng cameo role sa launching movie ni Camille Prats na Ang Munting Prinsesa.
Pero hindi yun sapat para marating niya ang pinapangarap niyang tagumpay. Marami pa siyang pinagdaanang challenges hanggang noong isang taon, pinakinggan ng Diyos ang pinapangarap niyang tagumpay.
Hindi ikinahihiya ni Sarah na kaya siya nagsisikap ay para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Isang ordinaryong manggagawa sa PLDT ang kanyang ama kaya nga hindi niya malimutan na naging hall of famer siya sa mga singing contest sa PLDT noong kanyang kabataan.
"Nakatira po kami sa isang bahay na isa lang ang bintana sa bandang Sta. Cruz, Manila. Talaga pong hirap kaming makatulog dahil sa init. Kaya ganun na lang ang pagpursige kong sumali sa mga singing contest para makatulong sa mga gastusin namin," pagbabalik tanaw niya bago siya nanalo ng P1 million sa SFAN.
Isa si Sarah sa main attraction sa Greatest Hits...Just Once More, ang repeat concert nina Rico Puno, Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuñiga and Marco Sison sa Araneta Coliseum on September 26, Friday.
Meron silang 42 contestant mula sa ibat ibang bansa.
For more information, please call, 851-2088/8512089.