Sayang, baka mawala na ang excitement dito ng mga manonood. Maganda pa naman ang pagkakagawa rito ni Aguiluz at may potensyal sa acting ang Fil-Am na si Juliana. Bukod pa sa matapang ito sa mga bold scenes niya, sa paghuhubad at mga lovescenes.
Magagaling din ang mga co-stars niya, like Gary Estrada, pang-award ang acting ni Gary sa movie. Samantala, marami ang nagsabi na gwapo sa pelikulang ito si Carlo Maceda, lalo na sa mga lovescenes nila ni Juliana.
Marami ring mga bagong mukha na makikita ang mga manonood na gumaganap ng roles ng mga web divas, ang unang inisip na titulo ng pelikula.
Hindi na lingid sa kaalaman ng tao ang mga nagaganap na internet, lalo na ang prostitusyon. At sana katulad ng nangyari sa pelikula, mahuli rin ang mga gumagawa ng krimeng ito para na rin sa kapakanan ng maraming kabataan na gumagamit ng internet para sa karagdagang karunungan at hindi cheap sex thrills.
Hindi naman apektado ng mga ganitong tsismis o intriga si PJ dahil bilang anak ng isang public official, nakaranas na rin silang maintriga. Ang mga ganitong pangyayari ay expected na rin niya bilang artista.
"As much as possible, low profile lang kaming magkakapatid. Kahit lumalabas kami, as much as possible, ayaw namin na nalalaman ng tao na anak kami ni Mayor Malonzo. We would like to be treated as normally and as ordinarily as possible. If we can, lumalabas kami nang walang driver o bodyguard," ani PJ na ang anonymity ay malapit nang mawala kapag naipalabas na ang tatlong pelikula na ginagawa niya.
"Tapos na ang Homecoming with Alessandra de Rossi. Gagawin ko pa ang Funtastic Man with Vic Sotto at Kapten Barbel with Ogie Alcasid and Bong Revilla," patuloy niya.