Balitang pinopormahan ngayon nito si Jenny Miller na nagsimula umano sa paggawa nila ng pelikulang Asboobs ng NuArt Films. "Kasama ko siya sa pelikula and were getting along-well. Mabait siya and shes beautiful inside and out. Only God can tell kung kami ang mag-end up sa huli."
Masaklap din ang naging kalagayan ng aktor pagdating sa pag-ibig dahil ayon sa kanya, siya ang palaging naiiwan sa isang relasyon. "May faults din ako na siyang dahilan kung bakit nilalayasan ako. Pero sa ngayon ay mas masasabi kong responsible akong ama sa anak ko at responsable rin akong artista." AD