Sa SOP sinabi ni Geneva na ayaw na muna niyang pag-usapan o mapag-usapan ang tungkol sa mga kasal-kasalan. Wala pa aniya sa kanyang priority ang ganung uri ng career. "Masaya na ako na ganito lang ang status ko. Malaya at may responsibilidad para sa aking anak. Pero darating din tayo diyan as soon na maging stable na ang buhay ko. Time will come for that!" nakangiting sabi pa ni Geneva. Aminado itong masaya pa rin siya sa piling ng kanyang anak at kay KC!
Si Geneva ay kasama sa isang pagtatanghal ng Showgirls: A Dance Concert na mapapanood sa Folk Arts Theater sa Agosto 30. Boni A. Casiano