Pinasalamatan pa rin ni Katya si Kat de Santos sa mga ginagawa nitong pagtulong sa pagpo-promote ng kanyang pelikula na Nena Inosente dahil napag-uusapan sila. At ang mas nakakatawang gimik nito ay ang ginawang mga pamumudmod ng condom na ayon sa kampo ni Katya ay ka-cheapan daw!
Gayunman, hindi nagugustuhan ni Katya ang mga pag-uugali ni Kat de Santos na aniya kung manalita ay hindi maganda. Lalo pa ngat pawang mga below-the-belt ang mga ipinupukol sa kanya. "And one thing for sure, hindi ako apektado!" one liner pa ni Katya. - BAC