Bakit nga ba? Dahil ba mas magaganda ang mga ito kaysa sa mga local na palabas? Sure ako hindi ito ang dahilan. Kung tutuusin, mas magaganda ang istorya ng mga local soap, mas magagaling pa ang mga artista.
Napakasisimpli ng mga Mexican o Chinovelas kung ikukumpara sa mga gawang Pinas pero dito nagkakatalo. Sawa na kasi ang mga manonood sa TV o ayaw na nila yung napakahahabang istorya na inaabot ng maraming buwan kundi man taon kumpara sa mga sumisikat ngayong Chinovelas na hanggang mga tatlong buwan lamang at alam na agad ng manonood ang buod ng istorya. Di paris dito na parang dinadaya ang mga manonood sapagkat parang ayaw tapusin ang istorya at sa proseso ng pagpapahaba, mas dumarami ang mga tauhan, mas nagiging komplikado ang istorya. Ayaw ito ng mga manonood na composed mostly of housewives and domestic helpers na ang panonood ay isinisingit lamang sa kanilang pagluluto ng hapunan at paghahanda sa pagdating ng mga kasambahay mula sa iskwela o trabaho. Marami sa mga nanonood ng mga soap ang hindi nakatingin sa TV, nakikinig na lamang dahil baka nasa kusina sila na walang TV set o kaya ay may iba silang gawain na kailangang mas tingnan kaysa sa TV screen.
Hanggat ang mga soap natin ay napakahahaba, patuloy at patuloy tayong tatalunin ng mga foreign soaps na maikli lamang ang buhay at kakaiba ang presentayon sa mga karaniwan na palabas na inihahatag sa atin ng ating mga local producers.
May soap na rin ang
Sex Bomb Girls sa
GMA, ang
Daisy Siete. Sana maisip ng kanilang mga producers na bigyan sila ng kakaibang istorya para naman hindi agad mapawi ang popularidad na kanilang tinatamasa at mapahaba pa ang kanilang kasikatan.
Bagaman at napakalaki ng naging role ni
Barbie Xu sa
Meteor Garden 1 & 2, katunayan maraming bansa sa Asya na nanonood ng kanilang serye ang nagalit daw nang bigyan ng importanteng role bilang kapareha ni
Jerry Yan sa
Meteor Garden 2 ang isang Singaporean actress gayong si
Shan Cai (Barbie) ang mas gusto nilang leading lady ni Daomingsi (Jerry) na nag-resulta sa pagbaba ng popularidad ng
Meteor Garden 2 sa ilang mga bansa sa Asya, tila hindi ganun ka-init ang pagtanggap kay Barbie ng mga manonood sa kanyang interviews. O baka naman hindi ganun karami ang nakakaalam na na-interview siya. Dapat siguro hindi limited ang paglalagyan ng mga interviews sa kanya at sana ipakilala siya ng
ABS-CBN na siyang nag-iimbita sa kanya dito sa local media, di ba Shan Cai?
Isang jack of all trades si
JM Rodriguez, isa sa ipinagmamalaking
ABS-CBN artists. Hindi lamang siya isang artista, isa pa rin siyang TV host, VJ, stage actor. Sa stage ay nagawa na niyang makapunta ng maraming lugar para sa pagtatanghal ng
Rent na kung saan ay napansin ang maganda niyang pagganap. Nakasali rin siya sa katatapos na produksyon ng Ballet Philippines
na Darna
na kung saan ay narrator siya. Programa ng ABC 5 na On-Air. Nakatakda siyang mapanood sa One For The Soul sa susunod na buwan kasama sina Franco at Ayen Laurel at Verni Varga.