^

PSN Showbiz

May bagong telenovela sa dramathon sa Hapon

-
May bago na namang makakasama ang mga fans ng ABS-CBN Dramathon sa Hapon dahil sinimulan na ng network ang bago nilang telenovela, ang Por Ti, noong nakaraang Lunes, August 18, 2:30 pm, pagkatapos ng Masayang Tanghali Bayan.

Kahit nagkaka-ugaga ang iba sa mga chinovela, ganda pa rin ng kwento ang nangingibabaw sa mga telenovela na pinipiling ipalabas ng ABS-CBN, gaya ng Por Ti na magsasalarawan ng kwento ng pamilya Cortes, ang makapangyarihang may-ari ng ranchong La Rosaleda.

May isang away na nabuo pagkatapos mamatay ni Don Romulo Cortes, ang matandang may-ari ng La Rosaleda. Nasa gitna nito ang dalawa niyang apo, ang matapobreng si Cesar (Francisco de La’O) at ang makataong si Antonio (Leonardo Garcia Vale). Paborito ng mga tauhan ng La Rosaleda si Antonio, kung kaya’t ganun na lang ang galit ng mga ito nang magsimulang mamahala si Cesar sa lupain - ngunit totoo nga bang ang ina nilang si Francisca (Regina Torne) ang may pakana ng lahat? At nasaan nga ba ang testamento ni Don Romulo, na nawala na lang bigla ng gabing namatay ito?

Malalaman ni Antonio na may mga tauhan silang maaaring may hawak ng susi sa gulo sa rancho, dahil inihabilin daw ni Don Romulo ang kanyang testamento kay Isabel, isang trabahador sa rancho, noong gabi ng kanyang pagkamatay. Pero nang mamatay din si Isabel noong gabing iyon, nawala rin ang testamento. Ngayon, kailangan na lamang ni Antonio na imbestigahan ang alam ng natitirang pamilya ni Isabel. Tulungan kaya siya ni Maria (Ana dela Reguerra), ang anak ni Isabel?

DON ROMULO

DON ROMULO CORTES

DRAMATHON

HAPON

KAHIT

LA ROSALEDA

LEONARDO GARCIA VALE

MASAYANG TANGHALI BAYAN

POR TI

REGINA TORNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with