Aleck Bovick, na-wow mali ng misis ni Niño
August 25, 2003 | 12:00am
Sa liit ni Niño Muhlach ay pinapasan niya ngayon ang mabibigat na kontrobersya sa personal niyang buhay. Hiwalay sila ng kanyang misis na si Edith, at ngayon namay may biglang lumitaw na babaeng nagsasabing may anak sa kanya ang dating child wonder.
"Panahon ko yata ngayon para sa intriga," natatawang sabi sa amin ni Onin nang magkita kami. Hindi pa nga naman kasi bumabalik sa kanilang bahay ang kanyang mag-ina ay meron na namang lumutang na bagong kontrobersya sa kanyang buhay.
Pero bilib kami kay Edith, sa misis ni Onin na sa kabila ng kaliwat kanang isyu tungkol sa aktor ay nandiyan pa rin, sumusuporta sa kanyang mister.
Matindi talaga ang paninindigan ni Edith, hindi pa muna siya bumabalik sa bahay nila ni Onin dahil ayon sa kanya ay meron na siyang gustong patunayan sa kanyang sarili.
Narinig na niya ang panghihingi ng tawad ni Onin sa mga nagawa nito sa kanya, pero ang sinseridad ang hinahanap pa ngayon ni Edith, medyo nakukulangan pa siya sa mga nakikita niya sa ama ni Alessandro.
Ganun siya sa katatag, mas gugustuhin na muna niyang nag-iisa siya, kaysa naman sa magkasama nga sila ni Niño, pero ang dami-dami naman niyang dalahin sa kanyang dibdib.
Pero ang siraan si Niño ay hindi kayang gawin ni Edith. Inuunawa pa rin niya ang aktor, hindi bale nang sa iba magmula ang mga paninira huwag lang mula sa kanya.
Sa kasong kinasasangkutan ngayon ni Niño tungkol kay Je Cunanan na diumanoy naanakan ng aktor ay kalmado lang si Edith. Kaya niyang hawakan ang kanyang emosyon, hindi niya sinisisi nang isandaang porsiyento ang kanyang asawa.
Dalawa nga naman ang nagdedesisyon para mabuo ang isang relasyon. Kung ayaw ng ina ay walang magaganap, at alam naman ng babae na pamilyadong tao si Onin.
At tanggap niya ang katotohanang babaero talaga si Niño, yun lang naman ang kaisa-isang problema ni Edith sa kanyang asawa. Pero sa punto ng pagiging ama ay wala siyang masasabi sa aktor.
At yun ang gusto niya munang matiyak bago siya umuwi sa El Niño Apartelle. Gusto niyang mangako sa kanya si Onin na kapag nangyari pa uli ang ginawa nito sa kanya ay tuluyan na silang mawawala ni Alessandro sa buhay ng aktor.
Gusto ring manghingi ng dispensa si Edith kay Aleck Bovick, ang sexy star na nakaladkad ang pangalan kamakailan na madalas daw nakakasama ni Onin. Ang tinutukoy sa istorya ay si Criselda Volks at hindi si Aleck.
Hindi naman sa kanya nanggaling ang pangdadamay sa pangalan ni Aleck dahil alam niya ang totoo na si Criselda ang kasali sa isyu. Pero gusto na rin niyang manghingi ng sorry kay Aleck dahil sa pagkakadamay ng pangalan nito sa kuwento.
"May sinabi kasi siya sa isang interbyu na huwag ko raw siyang pagselosan. Kung gusto ko raw, e, akin na akin na si Onin, dahil wala naman siyang kinalaman sa asawa ko.
"Nakakahiya naman po dahil nadamay siya, totoo naman kasing hindi siya kasali sa issue at napagkamalan lang siyang si Criselda dahil magkamukha sila.
"Nakakaawa naman po yung tao dahil napagbintangan siya nang wala naman talaga siyang kinalaman sa mga pangyayari," kahanga-hanga ang misis ni Niño sa pagiging totoo.
Paminsan-minsan ay nagdadalawang-loob na rin siya sa kanilang kalagayan ngayon ni Onin, si Alessandro rin ang kanyang inaalala, ang palaging inaalala rin ng aktor.
"Pero may gusto pa po kasi akong makita kay Niño, alam kong hes sorry about everything, pero I still want to make sure na tatapusin na niya ang mga dati niyang ginagawa.
"Pag nakita ko na yun, babalik na kami ni Alessandro sa kanya," siguradong sagot ni Edith Muhlach.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended