Alam ni Carol na hindi naging madali ang kanyang naging desisyon dahil ang kanyang career dito ang kapalit.
Huling napanood si Carol sa ASAP Mania kung saan niya madamdaming ni-launch ang kanyang bagong album sa Star Records na pinamagatang "Follow Your Heart." Hindi siyempre napigil ni Carol ang maiyak.
Ayon mismo kay Aiai, bahala na raw ang mga manonood humusga kung malaswa o hindi ang kanilang kissing scene ni Carlos na umaming masarap humalik ang singer-comedienne.
Comedy ang tema ng pelikula pero hindi ito for general patronage. Edad trese pataas ang target audience ng pelikula na dinirek ni Jose Javier Reyes na siya ring sumulat ng istorya for Star Cinema.
Ang Pinay Pie ay magsasalarawan ng ibat ibang kahinaan at strength ng mga babae na madalas mabiktima sa larangan ng pag-ibig.
Ang dalawa namang kalahok ng Viva Films ay ang Filipinas, May Isang Ina na pamamahalaan ni Joel Lamangan at ang Kapten Barbel ay co-production naman ng Viva at ng Premiere Productions at ididirek ni Mac Alejandre.
Naging nostalgic ang performance nila lalo na nang sunud-sunod nilang kantahin at tugtugin ang kanilang mga classic hits tulad ng "Dahil Mahal Kita" at "Sumayaw, Sumunod" na parehong ni-revive ni Ogie Alcasid "Nais Kong Malaman Mo," "Araw-araw," "Dito sa Puso Ko," "First Love Never Dies" at marami pang iba.
Kasama na rin sa Boyfriends ngayon ang dalawang original members ng dating grupong Abrakadabra, ang magkapatid na Jun at Nitoy Mallillin kasama sina Angel Tiongson (ang singer-composer and producer noon ng mga awitin ni Eva Eugenio) at isa pang Jun na nakaligtaan namin ang apelyido.
Since usung-uso naman ang mga revivals ngayon, minabuti ng Boyfriends na muling magbalik lalo pat patuloy namang tinutugtog at kinagigiliwan ang kanilang mga awiting pinasikat nung early 80s.
I wonder kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng dating lead vocalist ng grupo na si Joey Abando. Magmula kasi nang kumalas ito sa grupo ay wala na kaming balita sa kanya. Si Art Ilacad naman ay nagtayo na ng kanyang sariling negosyo.
Palibhasay nag-iisang anak lang si Meg-Meg, kaya kinaya ni Eva na makapag-aral ang kanyang anak sa isang mamahaling iskwelahan.
Nang mag-lay low si Eva sa kanyang singing career, pinagtuunan niya ang pagtatayo ng sarili niyang negosyo - ang pagpapadala ng mga talents sa Japan kung saan din matagal na nagtrabaho si Eva bago pa man siya sumikat bilang isang mang-aawit.
Si Eva ay nakilala nang husto sa pamamagitan ng kanyang signature hit song na "Tukso" na sinundan ng marami pang hits tulad ng "Haplos," "Mahal Mo Ba Siya?" "Ano Ang Gagawin?" "Gulong ng Palad" at marami pang iba.
Nang dahil sa pagsisikap ni Eva, naitaguyod niya ang kanyang pamilya - ang kanyang biyudang ina at mga kapatid.