Nabasa ko yung final episode nina
Jordan Herrera at
Jojit Denero na nasulat dito sa
PSN. Im sure matagal bago makakalimutan ni Jojit ang bahagi na yun ng kanyang buhay although kung ako ang tatanungin, mabuti na rin na nangyari sa kanila yun habang may pag-asa pang maging magkaibigan sila kahit hindi na magkarelasyon. Pero, sana hindi totoo na pera lamang ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Baka yun na lamang ang ginawang dahilan ni Jordan to break the relationship na hindi na healthy at marahil ay nakakasira na ng kanyang career. Pero, kung ako rin yun, I could have done it another way, yung hindi ako mapagbibintangang mukhang pera. I know time heals all wounds, sana dumating ang panahon na muli nilang mabalikan ang kanilang friendship.
By the time na binabasa nyo ito ay nasa Japan na kami. Mayron kaming gagawin dung pagtatanghal na ang parts will be shown on my program,
Master Showman pagbabalik namin.
Ito ay prodyus ni
Bobby Valle, isang dating sikat na singer sa ating bansa na ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante sa bansang Hapon. It will be quite a reunion sapagkat makakasama namin muli sa show si
Lirio Vital, isa pa ring sumikat na singer nung kanyang panahon. Talagang nag-exert ng effort si Bobby para makuha ang kanyang serbisyo. Kasama rin sa show si
Patricia Javier, di ko alam kung matutuloy siya dahil nagkaroon yata ng conflict sa sked niya.
Bigla, naging matunog ang pangalan ni
Iza Calzado, anak ng producer/director ng
Master Showman na si
Lito Calzado at sikat nung kanyang kapanahunan. Biruin mo, sinabi raw ni
Ogie Alcasid na kung hindi magagawa ni
Regine (Velasquez) ang
Kapten Barbel para sa
MMFFP ay si Iza ang gusto niyang makatambal. Sa rami ng mga artista na naghahanap ng role for the festival ay si Iza ang kanyang naalala.
Lately din ay itinutukso si Iza kay
TJ Manotoc na sa aking palagay ay isang magandang tambalan. Di ba bagay sila?
Bagaman ay alam kong may nobyo si Iza, walang masama kung maging isang showbiz tandem sila ng anak ng dating Miss International. Kayo, ano sa palagay nyo?
Nakatutuwa na wala palang katotohanan yung pre-nuptial agreement between
Assunta and her husband
Cong. Jules Ledesma. Tama yung sinabi ni Assunta na sa mga nagmamahalan, dapat walang kondisyon. Oo nga naman, ang mga ganitong kasunduan ay pagpapakita lamang na walang tiwala sa isat isa ang dalawang nagmamahalan.