^

PSN Showbiz

Walang nuptial agreement sina Jules at Assunta

THAT 'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Nabasa ko yung final episode nina Jordan Herrera at Jojit Denero na nasulat dito sa PSN. I’m sure matagal bago makakalimutan ni Jojit ang bahagi na yun ng kanyang buhay although kung ako ang tatanungin, mabuti na rin na nangyari sa kanila yun habang may pag-asa pang maging magkaibigan sila kahit hindi na magkarelasyon. Pero, sana hindi totoo na pera lamang ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Baka ‘yun na lamang ang ginawang dahilan ni Jordan to break the relationship na hindi na healthy at marahil ay nakakasira na ng kanyang career. Pero, kung ako rin yun, I could have done it another way, yung hindi ako mapagbibintangang mukhang pera. I know time heals all wounds, sana dumating ang panahon na muli nilang mabalikan ang kanilang friendship.
* * *
By the time na binabasa n’yo ito ay nasa Japan na kami. Mayro’n kaming gagawin dung pagtatanghal na ang parts will be shown on my program, Master Showman pagbabalik namin.

Ito ay prodyus ni Bobby Valle, isang dating sikat na singer sa ating bansa na ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante sa bansang Hapon. It will be quite a reunion sapagkat makakasama namin muli sa show si Lirio Vital, isa pa ring sumikat na singer nung kanyang panahon. Talagang nag-exert ng effort si Bobby para makuha ang kanyang serbisyo. Kasama rin sa show si Patricia Javier, di ko alam kung matutuloy siya dahil nagkaroon yata ng conflict sa sked niya.
* * *
Bigla, naging matunog ang pangalan ni Iza Calzado, anak ng producer/director ng Master Showman na si Lito Calzado at sikat nung kanyang kapanahunan. Biruin mo, sinabi raw ni Ogie Alcasid na kung hindi magagawa ni Regine (Velasquez) ang Kapten Barbel para sa MMFFP ay si Iza ang gusto niyang makatambal. Sa rami ng mga artista na naghahanap ng role for the festival ay si Iza ang kanyang naalala.

Lately din ay itinutukso si Iza kay TJ Manotoc na sa aking palagay ay isang magandang tambalan. Di ba bagay sila?

Bagaman ay alam kong may nobyo si Iza, walang masama kung maging isang showbiz tandem sila ng anak ng dating Miss International. Kayo, ano sa palagay n’yo?
* * *
Nakatutuwa na wala palang katotohanan yung pre-nuptial agreement between Assunta and her husband Cong. Jules Ledesma. Tama yung sinabi ni Assunta na sa mga nagmamahalan, dapat walang kondisyon. Oo nga naman, ang mga ganitong kasunduan ay pagpapakita lamang na walang tiwala sa isa’t isa ang dalawang nagmamahalan.

ASSUNTA

BOBBY VALLE

IZA

IZA CALZADO

JOJIT DENERO

JORDAN HERRERA

JULES LEDESMA

KAPTEN BARBEL

MASTER SHOWMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with