Sinabi rin ni Carlos na maski may kamahalan ang tiket nila, $120, $100, $80 at $60, punung-puno ng tao ang lahat ng palabas nila. "Mas mahal compared sa $70-$40 na cost ng tickets sa mga shows nina Cristina Aguilera, Justin Timberlake at Toni Braxton," dagdag pa ni Carlos.
Sa kabila ng kaabalahan niya, nagawa pa ni Carlos na mapanood ang mga palabas ng mga nabanggit na foreign artists plus the plays of Antonio Banderas and Melanie Griffith and the rap concert ng mga leading American rap stars.
"Although mas shorter ang oras ng mga shows namin, mga one and a half hours kumpara sa mga anim na oras na konsyerto ng mga rap stars na talagang dinayo ko at pinanonood, I was disappointed dahil sinasabayan lang nila yung tapes nila, yung boses nila samantalang live yung pagkanta namin. We sang three songs each, kami ni Aga while Vina sang more or less mga 20 songs. Ang galing-galing niya!
"Na-miss ko ang The Hunks. It was the first time na hindi ko sila nakasama but Susan Lim, our producer, said that she would bring the Hunks there in November or December.
"I also miss not having visited my family dahil talagang hectic ang sked. Ill visit them the next time," sabi ni Amir.
He is busy promoting Pinay Pie na kung saan ay pinagsamantalahan siya ni Aiai delas Alas. Halos kinain siya nito sa isang kissing scene nila sa movie na tumagal sa screen ng two minutes.
"I was sincerely in love kay Aiai sa movie and I wanted to marry her pero, ayaw ng mom niya played by Vangie Labalan. Direk Joey Reyes explained na gagawin naming parang soap ang eksena namin. I did not do a thing, hinayaan ko sina Aiai at Vangie na magdala ng eksena. Sumabay na lang ako sa kanila. It was an effort para di ako matawa sa eksena."
At 23, inamin ni Amir na wala siyang lovelife. "Pa-date date lang ako, mostly with non-showbiz and mga classmates ko sa La Salle and friends."
Matatandaan na ipinaba-ban ni Cong. Francis Nepomuceno ng Pampanga ang show pero nagsalita si Pasay City Mayor Peewee Trinidad ng Pasay City na matagal na niyang binigyan ng permit ang Showgirls: A Dance Concert at magiging unlawful kung ikakansela niya ang nasabing permit.
Ayon naman sa mga producer ng show, walang dapat ipag-alala ang sinuman sa palabas dahil walang kalaswaang magaganap dito. Sa halip inaanyayahan nila ang lahat na panoorin ang show para mapatunayan ang sinasabi nila.
Abala sa kasalukuyan ang mga artista ng Showgirls (Aubrey Miles, Jenny Miller, April Tolentino, Michelle Estevez, Cherry Lou, Angelica Jones, Priscilla Almeda, Aleck Bovick, Geneva Cruz, Michelle Bayle, Regine Tolentino at Angela Velez) sa page-ensayo at pag-aaral ng sayaw. Mga sikat na Hollywood movies ang inspiration ng kanilang mga production numbers.
Ang Showgirls: A Dance Concert ay nasa direksyon nina Calvin Neria at Duds Santiago mula sa script ni Chi de Jesus at production design ni Rico Ancheta.
Guests sina Gladys Guevarra, Ate Glow at Marissa Sanchez with the Groove Manila. Speed at Whiplash dancers.
Sponsors ang Belo Medical Group, Mekeni Food Corp., Adworks, Sitcom Bar & Restaurant, l0l YES FM at 90.7 Love Radio.
Para sa tickets, tumawag sa Live Artists Production (9202643) Red Chair Production (8295109) at Ticketworld (8915610).