Herbert,hindi susuportahan si FPJ
August 23, 2003 | 12:00am
Tahasang sinabi ni Quezon City Vice-Mayor Herbert Bautista na hindi siya susuporta para ikampanya o tulungan ang kandidatura ni Philippine Movies Action King Fernando Poe, Jr. sakaling makumbinsi itong pumalaot sa pulitika bilang kandidato sa pagka-Pangulo ng bansa.
Aniya, "Ayaw kong dumating ang pagkakataon na kapag nagkita kami at nilapitan ko siya para magmano ay ilalayo niya ang kanyang kamay dahil ganito ang mga nararanasan ngayon ng ilang mga inaanak niya na nakipag-alyansa sa administrasyon ni Pangulong Arroyo."
Sa ginanap na 1st Gawad President Manuel L. Quezon sa taong ito na may temang Pagpupugay Kay Itay... Kabayanihan sa Bayan na ginanap sa UP Bahay ng Alumni pinarangalan nito ang mga lider ng ibat ibang sektor ng Lungsod Quezon. Kabilang dito sina Sr. Supt. Joel A. Torregoza (Law Enforcement), Ernesto Benitez (Labor Sector), Romeo D. R. Juachon (Socio Civic & Religious), Atty. Filemon U. Fernandez, Jr. (Government Service), Dr. Glorioso V. Saturay (Medicine), Asia B. Nokom (Business & Industry), Lt. Col. Francis Alaurin (Military Service), Jose F. Datuin (Arts & Culture) at si Col. Raul Z. Medina (1st Gawad Pres. Manuel L. Quezon Awardee).
Kabilang sa mga dumalong opisyal ng Lungsod sa Gabi ng Parangal sina Councilors Julian Coseteng, Ariel Inton at Beth Delarmente. Hindi nakadalo si Mayor Sonny Belmonte na dapat sana ay pangunahing tagapagsalita pero malugod naman itong ginampanan ni Cong. Imee R. Marcos.
Nakiusap pa si Vice-Mayor na iwasang idawit ang pangalan niya kina Councilor Aiko Melendez at Jomari Yllana. Pero hindi nito itinanggi na siya ay nagtungo kina Aiko at nakipag-inuman. Idinagdag pa niya na walang masama dahil annuled na ang kasal ni Aiko kay Jomari. Niliwanag pa nitong hindi siya nanliligaw sa magiting na konsehala na ngayon ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Amerika kasama ang anak nitong si Andrei. Boni A. Casiano

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended