Kung sunud-sunod ang trabahong dumarating kay Aiai, ganundin kay Vhong. Katunayan, bukod sa kanyang regular sitcom na Whattamen, sunud-sunod din ang ginagawa nitong pelikula. Kasama siya sa Keka na tinatampukan nina Katya Santos at Wendell Ramos mula sa Viva Films. Isa rin siya sa mga bida ng pelikulang Asboobs na dinirek ni Danny Cabreira. Kasama rin siya sa pelikulang Pinay Pie na pinangungunahan nina Aiai delas Alas, Joyce Jimenez at Assunta de Rossi. Kasalukuyan ding ginagawa ni Vhong ang kanyang solo launching flick, ang Gagamboy na pinamamahalaan ni Erik Matti for MAQ Productions.
Pero ang maganda lang kay Vhong, sa kabila ng kanyang tagumpay, nananatili pa ring nakasayad sa lupa ang kanyang mga paa.
Bukod sa kanilang director-talent relationship, naging malapit din silang magkaibigan at isa si Direk Joey sa mga hingahan ng sama ng loob ni Aiai kapag itoy may matinding problema.
Isa si Direk Joey sa mga natutuwa sa inabot na tagumpay ngayon ni Aiai.
Kasalukuyang nagsu-shooting sa Festival Mall noon ang Pinay Pie nang magbukas sa mga sinehan ang Ang Tanging Ina na siyang launching movie ni Aiai na dinirek ni Wenn Deramas. Sa shooting pa lamang ay marami na ang nagtatawagan kay Aiai na mahaba umano ang pila sa mga sinehan na pinagpapalabasan ng kanyang pelikula. Hindi tuloy malaman noon ni Aiai kung maiiyak siya sa tuwa. Kaya ang ginawa ni Direk Joey, niyaya niya si Aiai na umakyat ng sinehan ng nasabing mall para personal nilang masaksihan ang pruweba. Hindi nga nagkamali ang mga nagbalita kay Aiai.
Ngayong malapit na ring ipalabas ang Pinay Pie umaasa si Aiai na magiging box-office din ang pelikula.
Samantala, aminado si Aiai na dahil sa kanyang pagiging sobrang busy sa trabaho, nawawalan siya ng oras kanyang tatlong anak kaya sa September 2 ay kasama ang tatlong anak niya patungong Amerika para makabawi sa kanila.
"Alam naman ng mga anak ko na para sa kanila rin ang ginagawa kong pagsisipag. Pero siyempre, hindi naman ito excuse na mawalan ako ng oras para sa kanila. Kaya kahit papano, kapag may libreng oras ako, I make it a point na inilalaan ko sa kanila," pahayag ng pinakabagong comedy queen.
Sa ngayon, masaya na si Jenny sa takbo ng kanyang career. Bukod sa kanyang regular TV sitcom, ang Whattamen, sunud-sunod din ang kanyang ginagawang pelikula. Dalawang magkahiwalay na pelikula na kasama si Jenny ang ipalalabas ng magkasunod. Nakatakdang ipalabas sa September 3 ang Pinay Pie sa September 10 naman ay ipapalabas ang Asboobs.