Sa ayaw at gusto ni Alessandra,siya ang maid of honor sa kasal ni Assunta

Tuloy na ang wedding nina Assunta de Rossi at Cong. Jules Ledesma sa March 14, 2004. Magaganap ito sa Sanctuario de San Jose sa Forbes Park.

"Nagsabi na ako sa kanya," panimula ni Assunta sa maliit na presscon na ibinigay para sa kanila nina Onemig Bondoc at Carlos Agassi ng Star Cinema para sa pelikulang Pinay Pie na tinatampukan din nina Aiai delas Alas, Joyce Jimenez at marami pang iba sa direksyon ni Joey Reyes.

"
Hindi siya umoo pero, sa ayaw at gusto niya, siya ang gusto kong tumayong maid of honor ko. Kung ayaw niya, wala na lang maid of honor. Hindi ako kukuha ng makakapalit niya kung saka-sakali," dagdag pa ng mas gumanda pang aktres dahilan sa kanyang bagong hairdo.

Idinagdag nito na mga 1000 ang magiging bisita nila. Ang wedding reception ay gagawin sa Makati Shangrila at may color motif na coral. Si Frederick Peralta ang gagawa ng wedding gown niya.

Sinabi ni Assunta na kakausapain din niya ang kanyang ama. "Kailangan naman nandun sila, pamilya ko sila, ayaw ba nilang makita akong maligaya?" tanong niya.

Obvious na masaya si Assunta sa kanyang marriage. "Wala kasi akong problema. Bukod sa aking career, wala na akong inaasikaso pang iba. Hindi ko inaasikaso si Jules dahil siya ang nag-aasikaso sa akin. Hatid sundo niya ako sa mga lakad ko. Bukod sa mga petty quarrels na ordinary sa mga mag-asawa, wala kaming pinagkakagalitan.

"Maswerte ako sa kanya, pinapayagan niya akong mag-artista, gumimik. Mag-malling kahit mag-isa lang ako dahil ayaw ko ng may kasama. Pinasasamahan niya ako pero, para lang may katulong ako sa pagbubuhat ng mga pinamili ko, hindi para bantayan ako. Malayo nga ito sa akin kaya parang wala rin akong kasama.

"Alam mo mabait ako sa lahat ng tao pwera lang sa asawa. Kung nagkaka-gap kami, siya ang unang sumusuko, halos lumuhod pa siya sa harap ko. Di niya ako kayang tiisin. Pero, di ko siya inaapi, di ako cruel sa kanya. Di rin siya battered husband pero, super tiklop siya sa akin, ibinibigay niya lahat ng gusto ko," kwento ni Assunta.

Natatawa na lang si Assunta sa role niya sa Pinay Pie na mahilig magsasali sa mga beauty contests. Sa kagustuhang manalo ng karakter niya, pinatulan nito ang isa sa mga judges na kinunan siya ng photos at ikinalat sa internet.

"Hindi na ito bago, nangyayari na ito maski in real life. Maski na yung pangyayari na ang lahat ng beauty contestants ay pilit nag-i-Ingles gayong pwede naman silang mag-Tagalog. Gaya ng character ko, na nang di masagot ng maganda sa Ingles yung questions sa pageant ay natalo ako,"

Inamin ni Assunta na kenkoy siya sa shooting ng Pinay Pie kahit first time nilang tatlo na nagkatrabaho. "Proud ako dahil kahit na kilala nang comedienne si Aiai ay natatawa pa rin siya sa akin. O di ba , nakaka-flatter?" tanong niya.
* * *
Nagsimula bilang isang child star si Hazel Ann Mendoza kaya nagulat siya nang bigla ay mapansin siya nang gumanap siyang nakakabatang kapatid ni Kristine Hermosa sa Pangako sa ‘Yo.

Di na bata si Hazel Ann sa edad na 15. Katunayan may ka-loveteam na siya in the person of
Marc Acueza sa Berks at Basta’t Kasama Kita. Sa huling binanggit na palabas, gaganap siya ng role ng tulad nang ginampanan ni Alicia Silverstone sa Clueless. Gaganap ng ama niya si Edgar Mortiz.

Bagaman at ang talagang gusto ni Hazel Ann ay makatapos ng college at maging isang lawyer, enjoy na siya sa kanyang movie career ngayon lalo’t unti unti nang napapansin ang kanyang kakayahan after na mapanood siya sa ikalawang episode ng
Tara Tena ni Loren Legarda.

Isa ring paboritong product endorser si Hazel Ann. Image model siya ng Porsche Jeans and Shirts.

Show comments