Ang batikang composer na si Vehnee Saturno ang unang nilapitan ni Renz na nagdala naman sa kanya sa Universal. Siya rin ang nag-produce ng album ni Renz na "Everyday". Dalawa sa kantang kasama sa album, "Everyday" at "Bat Nahayaan Ka", ay si Vehnee rin ang nagsulat. Ito ay base sa karanasan sa buhay ni Renz ayon kay Mr. Saturno. Ang matagumpay na singing career noon ni Renz ang isa sa naging ugat ng paghihiwalay nilang mag-asawa tatlong taon na ang nakararaan.
"Kasi hindi niya ako maintindihan sa aking trabaho. Alam nyo naman ang mga singer, bigla na lang may lalapit at hahalik. Madalas din akong inuumaga at wala sa bahay," pagbabalik tanaw ni Renz. Pero hindi naman daw ibig sabihin noon ay mas mahalaga sa kanya ang singing career niya kesa sa kanyang pamilya. Pero dumating na raw sa punto na kailangan nilang maghiwalay dahil sa maraming bagay na hindi na nila mapagkasunduan.
Samantala, maganda rin ang naisip ni Vehnee na gawan ng Tagalog version ang "Keep On Loving You," (Im Sad) (Wo Nan Quo) na theme song ng MVP My Valentine, isang chinovela ng GMA 7. Ngayon palang ay hit na ito sa mga radio stations.
Kung tutuusin, hindi na bago kay Heart ang pagkanta. Sa edad na lima ay istudyante na siya ni Mr. Ryan Cayabyab at tumigil lamang siya nang tumungtong ito ng high school.
Naniniwala si Heart na destiny ang pagkakaroon niya ng album. Pinangarap na maging singeralthough totoong mahilig siyang kumanta, bata pa man siya.
Inaamin ni Heart na hindi siya Diva. Pero bumagay sa kanya ang mga kanta na nilalaman ng kanyang debut album.