"Sayang naman kung di ako mag-sexy" - Gwen

Mabuti na lamang at wala na ang kanyang ama nang magpasya si Gwen Garci na mag-bold sa pelikula. Ganunpaman, nag-aalala pa rin siya kung ano ang magiging damdamin ng kanyang napaka-konserbatibong Filipino-Chinese family (tunay niyang pangalan ay Mai Ang Lee). Sa kabila ng kanyang agam-agam, nanaig ang pagiging independent-minded nito.

"Naisip ko na sayang naman kung di ako mag-sexy, baka pwedeng may mangyari sa career ko, di ba?

"Nang kausapin ko ang mom ko, sinabi ko sa kanya na susubukan ko lang, kapag walang nangyari, babalikan ko ang pag-momodelo ko."

Malaki ang pananalig ng Viva kay Gwen kung kaya binigyan nila siya ng sarili niyang episode sa pelikulang First Time. Star siya sa ikalawang episode sa nasabing trilogy na nagtatampok din kina Kristine Jaca at Hazel Cabrera.

Mayroon siya ritong rape scene at maiinit na lovescenes kay Joel Torre. Bilang isang lesbiana, kailangan niyang patunayan na siya ang may kontrol sa kanilang sex scenes.

Show comments