In fairness, impressive ang pelikula starring Katya, Wendell Ramos, Vhong Navarro with Jordan Herrera, Bobby Andrews, Ryan Eigenmann, TJ Trinidad, among others under the direction of Quark Henares.
Black comedy ang pelikula at wala talagang hubaran as in walang ipinakitang flesh si Katya at kahit si Wendell.
Tungkol ito sa isang call center operator na nong college days nila ay pinatay ang boyfriend niyang si PJ (Jordan) ng limang member ng isang fraternity na kalaban ng fraternity group ng kanyang boyfriend.
Nang maka-graduate siya ng college, nag-plan siyang hantingin ang killer ng kanyang boyfriend sa tulong ng bestfriend nitong si Vhong. Itinuro ni Vhong isa-isa kung saan matatagpuan ang grupo ng pumatay sa kanyang kaibigan at binigyan si Keka ng weapon na puwede niyang gamitin para isa-isahin ang mga killer.
Nagawa naman niya ang mga plano niya. Napatay niya isa-isa ang apat sa grupo.
Pero habang ginagawa niya yun, na-in love siya sa isang police officer, si Jayson (Wendell). Hindi alam ni Jayson ang background ni Katya pero sobrang na-in love siya rito.
Iniwan kasi siya ng girlfriend niya - portrayed by Rissa Samson na nakakahinayang dahil sobrang small ng role.
Anyway, na-discover lang ni Jayson na si Katya ang suspect sa serial killing nang mapagsama-sama niya ang pangyayari.
Ang ending: Well, panoorin nyo ang Keka na showing starting yesterday sa Metro Manila theaters.
Magaling si Katya sa pelikula. Base sa napanood namin, pang-award ang acting niya. "Magaling si Katya sa movie na to," sabay na sabi nina Ms. Ethel Ramos and Isah Red.
"Mas sexy pala si Katya pag naka-damit," dagdag na comment nila.
Black comedy ang pelikula kaya kahit may murder scene, very light pa rin at nakakatawa ang mga eksena.
Rated B by Cinema Evaluation Board (CEB) ang Keka, produced ng Viva Films.
Imagine, pasayaw-sayaw lang dati si Vhong sa Streetboys, pero ngayon isa na siya sa kino-consider na in demand comedian sa bansa.
Nagsimula siyang ma-recognize as comedian sa TV sitcom.
Pero everytime na kailangang mag-perform ng Streetboys, nagsasama-sama naman sila kahit may kanya-kanya na silang career.
"Suwerte lang siguro ang mga nangyayari sa career ko," sabi ni Vhong.
Matagal-tagal din naman kasing hinintay ni Vhong ang chance na ito.
May gf siya ngayong non-showbiz, isang UP student na pinupuntahan siya sa ABS-CBN pag wala itong klase.
In any case, aside from Vhong, kasama rin sa Asboobs sina Jeffrey Quizon, Paolo Contis, Long Mejia, Bearwin Meily and Eddie Garcia with Jenny Miller and Nancy Castiglione, directed by Danny Cabreira for NuArts Movies.