May mga balitang lumabas, kasama raw si Jolina sa festival entry ng Viva Films. Ito yung Pilipinas...May Isang Ina. This will be directed by Joel Lamangan and is intended for the forthcoming MMFFP in December.
But according to a source na nakausap namin kamakailan, there was never an offer na nakarating kay Jolens. Wala nga raw kaalam-alam ang kampo ng dalaga tungkol dito. At nagtataka sila kung saan nanggaling ang balitang inoperan si Jolens ng role para sa festival entry ng Viva.
Almost 50% na ang nakukunan ni Direk Louie Ignacio para sa Annie Batungbakal movie nina Jolina, kasama sina Dingdong Dantes at Jordan Herrera. Ito bale ang una sa pinirmahang kontrata ni Jolens sa Viva Films. Wala pa rin silang napipiling pinal na titulo, pero gagamitin pa rin daw na sub-title ang Annie B.
Nang unang isa-ere ang soap opera nina Jolina, Raymart Santiago at James Blanco, nakatapat ito sa Game KNB ni Kris Aquino. And then, as we all know, inilipat ang number one game show ni Tetay sa ibang timeslot. Ngayon, itinapat ng Siyete ang Narito Ang Puso Ko, sa seryeng tampok sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa, ang Sanay Wala Nang Wakas. At kung kukupad-kupad itong Sanay..., malamang na masapawan sila ng lumalakas na serye nina Jolens. Ben Dela Cruz