Tado, idol ng mga Jologs
August 19, 2003 | 12:00am
Nagtapos ng Psychology sa PUP si Tado. Kahit siyay hindi niya maintindihan kumbat yun ang kinuha niya. "Yun kasing course na yon, kokonti ang pila ng mga estudyante, kaya nakipila na rin ako!"
Dati ring aktibista at laging napapasabak sa rambol-gulong hindi naman kanya, pero nakikisali siya.
Unique ang pananaw sa buhay ni Tado, kaya naman jologs ang bansag sa kanya. At doon siya minahal ng mga tao.
Mapagkakamalan mong addict, pero hindi. Normal na talaga sa kanya ang kapayatan. At parang wala na rin siyang kapalaran pang tumaba, lalo nat araw-araw ay work-to-death siya.
Isa siya sa mga nagbibigay-aliw sa Masayang Tanghali Bayan!
Yung kanyang ala "Strangebrew" na style ay dinala na rin niya sa Klasmeyts tuwing Miyerkules right after Whattamen.
At isa naman siyang gasoline boy sa OK, Fine...Whatever! every Tuesday night. Pawang mga top-rating shows ang mga nasabing comedy show.
"Uy, bibigyan nga ako ng award sa MTB, eh... Ako ang laging pinakamaagang dumating sa istudyo. Nakakatuwa nga, eh!"
Ayaw nang idenay ni Tado na pamilyado na siyang tao, dahil ayaw rin niyang magpaasa ng mga babaing nagbabalak na magkagusto sa kanya. May tatlo na siyang anak na babae.
Si Tado... mukhang tarantado, pero isang huwarang ama.
Mukhang addict, pero busy lang masyado at ewan kung nagtitipid sa pagkain.
Mahaba ang buhok, pero hindi naman si Samson.
Yan si Tado... Isang Icon.
Ngek!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended