LJ, magpapakasal na rin!
August 19, 2003 | 12:00am
Going strong ang relasyon nina LJ Moreno at ang basketbolista nitong boyfriend na si Rob Wainwright ng Coca-Cola Tiger.
Dalawang taon na silang mag-on. Boto rito ang pamilya ng cager sa aktres at ganundin ang pamilya ni LJ.
May plano na ba ang dalawang magpakasal?
Ayon kay LJ ay nag-usap na sila ng nobyo at gusto nitong humarap sila sa dambana sa isang taon.
Pero hindi pa pormal na namamanhikan ang nobyo sa magulang ng aktres.
Kung siya ang masusunod ay December 2004 sila magpapakasal para mapaghandaang mabuti ang wedding ayon pa kay Rob.
Inili-link si Oyo Boy kay Alessandra de Rossi Assunta pero giliw na giliw naman ito sa kaparehang si Maxene Magalona sa Love to Love.
Inamin naman ng aktor na hindi mahirap mahalin ang bagets na anak ng master rapper na si Francis Magalona dahil napakabait nito at humble pa. Sinabi rin ni Oyo Boy na normal lang sa kanya na humanga sa maraming babae pero isa lang ang sisiguraduhin nito. Ayaw niyang mawasak ang pamilya sakaling magpakasal siya someday gaya ng paghihiwalay ng kanyang ama at ina. Two years old lang si Oyo nang magkahiwalay sina Vic at Dina. Masakit para sa kanya na makitang hindi nakatira sa kanila ang kanyang daddy.
Ayon dito, ang mga anak ang naaapektuhan kapag naghiwalay ang magulang.
May intriga na agad kay Christopher (PJ) Malonzo. Sinabing kaya nakasali ang tatlong pelikulang The Homecoming, Funtastic, Man 2 at Kapten Barbell sa sampung entries sa darating na Metro Manila Film Festival 03 ay dahil kasama siya sa mga nabanggit na pelikula.
"Hindi naman po ako bida, suporta lang hindi naman kasali sa orihinal na plano ang The Homecoming. Wala pong palakasan sa MMFF at sa rami ng miyembro na bumoto sa pagpili ng ten entries ay pinalad na mapabilang ang tatlo dahil pawang magaganda naman po ang istorya. Swerte at nakasama ako roon pero bilang maliit na artista lang po," aniya.
Inamin din ni Christopher na kahit anak siya ni Mayor Malonzo ay nakapaglalakad siyang mag-isa sa kalye at kahit saan pumunta ay wala siyang bodyguard. Siya pa nga kadalasan ang nagda-drive ng kanyang sasakyan.
Ang problema lang ay nagkakaroon ng stereotyping dahil kapag anak ka ng isang pulitiko ay iba agad ang tingin ng mga tao kung saan lumalabas na mayabang ka, "Hindi po ito mangyayari sa akin dahil hanggang ngayon ay nakatungtong pa rin ang mga paa ko sa lupa na siyang itinuro ng aking ama sa akin," sey pa ni PJ.
Ilang shows na sa Dos ang napapanood namin si Angelica Panganiban kung saan laging nagmumukhang masikip ang blouse na parang puputok na dahil sa laki ng kanyang boobs. Sa murang edad ay biniyayaan ito ng malulusog na dibdib at asset niya ito. Kaya lang, may nais kaming i-suggest sa bagets. Sanay huwag na siyang magsuot ng bareback dahil parang kay baba ng kanyang dibdib. Bentahe sa mga babaeng may malulusog na dibdib na magsuot lagi ng bra na may tirante para may suporta sa boobs at para hindi ito magmumukhang mababa. Kapag strapless ang bra ay may tendency talaga itong bumaba dahil sa laki ng dibdib. May pagkakataon tuloy na parang hindi komportable sa pagkilos ang magandang teener.
Dalawang taon na silang mag-on. Boto rito ang pamilya ng cager sa aktres at ganundin ang pamilya ni LJ.
May plano na ba ang dalawang magpakasal?
Ayon kay LJ ay nag-usap na sila ng nobyo at gusto nitong humarap sila sa dambana sa isang taon.
Pero hindi pa pormal na namamanhikan ang nobyo sa magulang ng aktres.
Kung siya ang masusunod ay December 2004 sila magpapakasal para mapaghandaang mabuti ang wedding ayon pa kay Rob.
Inamin naman ng aktor na hindi mahirap mahalin ang bagets na anak ng master rapper na si Francis Magalona dahil napakabait nito at humble pa. Sinabi rin ni Oyo Boy na normal lang sa kanya na humanga sa maraming babae pero isa lang ang sisiguraduhin nito. Ayaw niyang mawasak ang pamilya sakaling magpakasal siya someday gaya ng paghihiwalay ng kanyang ama at ina. Two years old lang si Oyo nang magkahiwalay sina Vic at Dina. Masakit para sa kanya na makitang hindi nakatira sa kanila ang kanyang daddy.
Ayon dito, ang mga anak ang naaapektuhan kapag naghiwalay ang magulang.
"Hindi naman po ako bida, suporta lang hindi naman kasali sa orihinal na plano ang The Homecoming. Wala pong palakasan sa MMFF at sa rami ng miyembro na bumoto sa pagpili ng ten entries ay pinalad na mapabilang ang tatlo dahil pawang magaganda naman po ang istorya. Swerte at nakasama ako roon pero bilang maliit na artista lang po," aniya.
Inamin din ni Christopher na kahit anak siya ni Mayor Malonzo ay nakapaglalakad siyang mag-isa sa kalye at kahit saan pumunta ay wala siyang bodyguard. Siya pa nga kadalasan ang nagda-drive ng kanyang sasakyan.
Ang problema lang ay nagkakaroon ng stereotyping dahil kapag anak ka ng isang pulitiko ay iba agad ang tingin ng mga tao kung saan lumalabas na mayabang ka, "Hindi po ito mangyayari sa akin dahil hanggang ngayon ay nakatungtong pa rin ang mga paa ko sa lupa na siyang itinuro ng aking ama sa akin," sey pa ni PJ.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
17 hours ago
17 hours ago
Recommended